Mga Debosyonal ng Relief Society
Kaginhawahan kay Jesucristo


1:56

Kaginhawahan kay Jesucristo

Debosyonal ng Relief Society sa 2026: Isang Pandaigdigang Pagtitipon ng Kababaihan

Linggo, Marso 8, 2026

Welcome, mga kapatid, sa pagdiriwang na ito ng pagtatatag at ng gawain ng Relief Society.

Ipinapakita ng painting na ito ni Michael Malm ang kababaihan at kalalakihan, mga bata at kabataan—ng iba’t ibang lahi at panahon—na lumalapit sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Ito ang gawain ng Relief Society: palakasin ang pagkadisipulo kay Jesucristo at maghanda sa pagbalik sa piling ng ating mga magulang sa langit.

Kayo ay aming mga kapatid. At kapatid ninyo kami.

Sa simula ng debosyonal na ito, ipinakilala kayo sa Relief Society General Advisory Council. Sila ay tinatawag at itinatalaga upang payuhan kami sa pamumuno sa kababaihan ng Relief Society. Tulad ninyo, sila ay kababaihang may dakilang pananampalataya—lalo na kapag nahaharap sila sa mga problema at hamon sa buhay na ito. Sa taong ito, may pagkakataon kayong mabigyang-inspirasyon nila sa mga video ng talakayan na inilabas kasama ng brodkast na ito.

Sa buong mundo, mahigit walong milyong kababaihan ang kabilang sa Relief Society. Sa pagbibigay at pagtanggap ng ginhawa, kapwa temporal at espirituwal, mas napapalapit tayo kay Jesucristo at nagiging lalong katulad Niya.

Dalangin namin na mapasainyo ang Espiritu habang nakikinig kayo sa aming mga mensahe. Iniisip namin kayo noong inihahanda namin ang mga ito. At pagkatapos, pribilehiyo nating makinig kay Elder Quentin L. Cook, na miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol. Mahal namin kayo, mahal naming kababaihan sa ebanghelyo ni Jesucristo. Kayo ay aming mga kapatid.