“Paghahanda para sa Templo: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Paghahanda para sa Templo: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Paghahanda para sa Templo
Paghahanda para sa Templo
Buod
Ang templo ay isang banal na lugar na inilaan at naka-set apart mula sa mundo para tulungan tayong mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Ang sentro ng ating pagsamba sa templo ay matatagpuan sa nakasulat sa bawat templo: “Ang Bahay ng Panginoon.” Kapag handa at marapat tayong pumapasok sa templo, nakikipagtipan tayo sa Ama sa Langit. May pagkakataon din tayong samahan ang Tagapagligtas sa Kanyang gawain bilang “mga tagapagligtas” (tingnan sa Obadias 1:21) habang nakikibahagi tayo sa gawain sa family history.
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Ang mga lesson na ito ay maaaring ituro sa anumang pagkakataon sa school year o sa anumang linggo sa takbo ng pagtuturo ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Nakalista sa ibaba ang ilang posibilidad para sa mga partikular na lesson.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailanganin mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Si Jesucristo ang Sentro ng Lahat ng Pagsamba sa Templo
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Dahil ginagamit ng lesson na ito ang ipinangako ng Panginoon sa Kanyang mga pinagtipanang tao habang nagtatayo sila ng bahay para sa Kanya, maaari mo itong ituro malapit sa “Lesson 52: Exodo 25; 35–40”; “Lesson 79: 1 Mga Hari 6–9”; o “Lesson 155: Hagai.”
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makaramdam ng mas matinding hangarin na mapalapit kay Jesucristo sa bahay Niya.
-
Paghahanda ng estudyante: Upang tulungan ang mga estudyante na maghanda para sa lesson na ito, anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga pagpapalang natanggap nila, o ng iba pang kakilala nila, sa pagdalo sa templo.
-
Nilalaman na ipapakita: Isang gulong ng bisikleta, o iba pang bagay na may natatanging sentro; isang timbangan para sa self-assessment ng mga estudyante; mga larawan ng tabernakulo at templo ni Solomon sa Lumang Tipan
-
Mga Video: “Isang Simbolo ni Jesucristo” (1:11)
Ang Mga Batas ng Pagsunod at Sakripisyo
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Ginagamit ng lesson na ito ang Abraham 3:24–25 upang ituro ang batas ng pagsunod at ang Moises 5:4–9 upang ituro ang batas ng sakripisyo. Maaaring ituro ang lesson na ito malapit sa “Lesson 3: Abraham 3” o “Lesson 12: Moises 4:5–32; 5:1–15, Bahagi 2.”
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang mga batas ng pagsunod at sakripisyo na ipinangako nating susundin sa ordenansa.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang tanong na ito bago pumasok sa klase: Paano ako pagpapalain ng paggawa ng mga karagdagang tipan sa Ama sa Langit?
-
Mga item na dadalhin: Tatlong elastic band na pang-ehersisyo para sa object lesson
-
Mga Video: “Mas Malakas at Mas Malapit na Koneksyon sa Diyos sa Pamamagitan ng Maramihang mga Tipan” (28:13) mula sa time code na 4:13 hanggang 5:44
-
Handout: “Ang mga Batas ng Pagsunod at Sakripisyo”
Paghahanda na Makapasok sa Templo nang Karapat-dapat
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang kanilang pagkamarapat na pumasok sa banal na templo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Upang tulungan ang mga estudyante na maghanda na mas matuto pa tungkol sa mga pamantayang itinakda ng Panginoon para makapasok sa templo, anyayahan silang basahin ang mga tanong sa temple recommend na matatagpuan sa apendiks ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili [2022]. Anyayahan silang pumasok sa klase na may anumang tanong na maaaring mayroon sila tungkol sa mga pamantayang ito.
-
Mga item na dadalhin: Mga kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili para rebyuhin ng mga estudyante ang mga tanong sa temple recommend
-
Handout: “Ang mga Tanong sa Temple Recommend”
-
Mga Video: “Layunin ng Diyos na Iuwi Kayo” (11:34) mula sa time code na 2:15 hanggang 3:01
Pakikibahagi sa Gawain sa Templo at Family History
Mungkahi sa takbo ng pagtuturo: Gumagamit ang lesson na ito ng mga talata mula kay Obadias para ituro ang gawain sa templo at family history. Maaari mong ituro ang lesson na ito malapit sa block ng Pumarito Ka, Sumunod Ka Sa Akin na Amos, Obadias, at Jonas.
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magtakda ng mithiin na maging mas katulad ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pakikibahagi sa gawain sa templo at family history.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng isang bagay na may kaugnayan sa gawain sa templo at family history, tulad ng isa sa sumusunod:
Gumawa ng account sa FamilySearch.org.
Maglaan ng ilang minuto sa pagtuklas ng impormasyon tungkol sa inyong pamilya sa FamilySearch.org.
Maghanap ng pangalan ng isa sa inyong mga ninuno na may mga ordenansa pang kailangang tapusin sa templo.
Hilingin sa isang magulang o lolo’t lola na magbahagi ng isang bagay tungkol sa kanilang buhay o tungkol sa isang ninuno.
-
Nilalaman na ipapakita: Larawan ng mga Martin o Willie handcart pioneer na kailangang-kailangan ng tulong, larawang kumakatawan sa mga ninuno, larawan ng bundok at templo
-
Mga Video: “Higit Pa sa Isang Bayani” (10:12) mula sa time code na 0:54 hanggang 1:30
-
Handout: “Apat na Paraan para Makibahagi sa Gawain sa Templo at Family History”