Seminary
1 Mga Hari 6–9: Itinayo ni Solomon ang Bahay ng Panginoon


“1 Mga Hari 6–9: Itinayo ni Solomon ang Bahay ng Panginoon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“1 Mga Hari 6–9: Itinayo ni Solomon ang Bahay ng Panginoon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

2 Samuel 11–12; 1 Mga Hari 3; 6–9; 11: Lesson 79

1 Mga Hari 6–9

Itinayo ni Solomon ang Bahay ng Panginoon

Holiness To The Lord The House of The Lord Signs Languages

Sa ating panahon, nagiging mas madali nang puntahan ang templo sa iba’t ibang panig ng mundo, ngunit hindi ito palaging ganoon noon. Sa pagtatayo ng templo ni Solomon, sa wakas ay nagkaroon na ang mga Israelita ng permanenteng bahay ng Panginoon, isang lugar kung saan ang Tagapagligtas mismo ay “maninirahang kasama ng mga anak ni Israel” (1 Mga Hari 6:13). Ang pangako ng Tagapagligtas ay natutupad din sa ating panahon dahil may mga templo na sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mapalalim ang kanilang pag-unawa na ang templo ay bahay ng Panginoon.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na magdala ng larawan ng isang kalapit o paboritong templo. Maaari silang maghandang ibahagi kung bakit makabuluhan sa kanila ang templo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang templo ay bahay ng Panginoon

Para simulan ang klase, anyayahan ang mga estudyante na tugunan ang sumusunod na sitwasyon (o ang katulad na sitwasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng klase mo).

Isipin na kunwari ay nakakita ang kaibigan mong si Angela ng larawan ng bagong templong itinatayo sa inyong lugar at itinanong niya:

  • Bakit nagtatayo ang inyong Simbahan ng mga templo?

  • Paano naiiba ang templo sa iba pang gusali ng inyong simbahan?

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na isipin kung gaano kalaki ang kumpiyansa nila na sagutin ang mga tanong ni Angela. Maaari mong anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang nadarama nila.

Matapos ilaan ang Praia Cape Verde Temple, itinuro ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Former Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.   Replaced September 2019.

Ang templo ay literal na bahay ng Panginoon. Hayaan na dahan-dahang tumagos ang mga salitang iyon sa inyong kaluluwa. Bahay Niya iyon. (“Ang Bahay ng Panginoon—Mga Mensahe Kamakailan mula sa mga Propeta, Apostol, at Iba pang mga Pinuno ng Simbahan”, newsroom.ChurchofJesusChrist.org, Ago. 13, 2023)

Anyayahan ang mga estudyante na isulat ang katotohanang ito sa kanilang study journal at sa pisara: Ang templo ay bahay ng Panginoon.

Maglaan ng ilang sandali para sundin ang paanyaya ni Elder Andersen na hayaang dahan-dahang tumagos ang katotohanang ito sa inyong kaluluwa habang sinasagot ninyo ang sumusunod na tanong sa inyong study journal.

  • Ano ang ibig sabihin sa iyo na ang templo ay bahay ng Panginoon?

Sa pag-aaral ninyo ngayon, anyayahan ang Espiritu Santo na tumulong na palalimin ang inyong pag-unawa sa templo bilang bahay ng Panginoon. Sa buong lesson, idagdag ang natutuhan ninyo sa inyong study journal.

Maaaring makatulong na tiyakin sa mga estudyante na bagama’t maaaring hindi masagot ngayon ang kanilang mga tanong tungkol sa templo, patuloy na bibigyang-sigla at gagabayan ng Espiritu Santo ang kanilang mga pagsisikap na malaman pa ang tungkol sa bahay ng Panginoon.

Iniutos ng Panginoon sa Kanyang mga tao na itayo ang Kanyang bahay

Solomon's Temple and Modern Temple

Sa Bundok ng Sinai, iniutos ng Panginoon sa mga tao na gumawa ng isang naililipat at pansamantalang tabernakulo para pagpalain ang mga anak ni Israel (tingnan sa Exodo 25:1–8). Makalipas ang maraming henerasyon, sa panahon ni Haring Solomon, wala pa ring naitayo na permanenteng templo.

Para matulungan ang mga estudyante na makita ang mga pagkakatulad sa utos ng Panginoon na itayo ang Kanyang bahay sa panahon ng 1 Mga Hari 6–9 at sa ating panahon, maaari kang magpakita ng mga larawan ng templo ni Solomon at ng pinakamalapit na templo sa makabagong panahon.

Ang isang paraan kung paano matutulungan ang mga estudyante na makita ang mga pagkakatulad na ito sa mga templo noong unang panahon at sa ating panahon ay sa pamamagitan ng pagpapakita ng sumusunod na chart.

May tatlong iminumungkahing aktibidad sa chart sa lesson. Maaari mong pag-iba-ibahin kung paano pag-aaralan ng mga estudyante ang bawat chart. Para sa unang aktibidad na ito sa chart, maaari mong sabihin sa kalahati ng klase na pag-aralan ang mga talata sa column na “Panahon ni Solomon” at sa natitirang kalahati ay ang mga talata sa column na “Ating Panahon.” Matapos pag-aralan ang mga talata, maaaring ibahagi ng mga estudyante ang nalaman nila sa isang kapartner na nag-aral ng mga talata mula sa kabilang column.

Ang isa pang paraan para gawin ang aktibidad ay hatiin ang mga estudyante sa tatlong grupo at bigyan ang bawat grupo ng isang chart. Ang mga estudyante ay maaaring mag-aral nang sama-sama at pumili ng tagapagsalita para ilahad sa klase ang bahaging pinag-aralan nila. Sa huling bahagi ng paglalahad, maaaring ibahagi ng bawat grupo kung paano makatutulong ang mga paksang kanilang pinag-aralan para masagot ang mga tanong ni Angela.

Habang pinag-aaralan ninyo ang mga sumusunod na talata, maghanap ng mga turong makatutulong sa inyo na ipaliwanag ang mga pangako ng Panginoon para sa mga templo noong unang panahon at sa kasalukuyang panahon. Idagdag sa inyong study journal ang nalaman ninyo.

Panahon ni Solomon

Ating Panahon

Panahon ni Solomon

2 Samuel 7:4–6

1 Mga Cronica 22:5–11

1 Mga Hari 5:5; 6:1

Ating Panahon

Doktrina at mga Tipan 88:119–120

Doktrina at mga Tipan 97:10–16

  • Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa kahalagahan ng mga templo ngayon?

Para matulungan ang mga estudyante na pagnilayan kung paano natin patuloy na masusunod ang tagubilin ng Tagapagligtas na magtayo ng mga templo ngayon, maaari mong ipanood ang video ng kasalukuyang propeta na nagbabalita ng mga bagong templo sa pangkalahatang kumperensya. Bilang alternatibo, maaari mong ibahagi ang ilan sa huling istatistika ng templo, na makukuha sa Listahan ng mga Templo sa ChurchofJesusChrist.org.

Ang mga templo ay inilalaan sa Panginoon bilang Kanyang bahay

Makalipas ang pitong taong pagtatayo, natapos at inilaan ang templo ni Solomon.

Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang mga panalangin sa paglalaan ng templo ay natatanggap sa pamamagitan ng paghahayag at iniingatan sa mga talaan ng Simbahan, maaaring magbahagi sa klase ng halimbawa ng panalangin ng paglalaan. Ang panalangin ng paglalaan para sa bawat templo ay makikita sa pamamagitan ng pagpili sa templo mula sa Listahan ng mga Templo sa ChurchofJesusChrist.org.

Para sa aktibidad na ito sa chart, maaari mong ipakita ang mga talata at anyayahan ang mga estudyante na pag-aralan ang katapat na bahagi ng chart na pinag-aralan nila noon at ibahagi sa isang kapartner na pinag-aralan ang natitirang kalahati. May tanong sa talakayan para tulungan ang mga estudyante na ibahagi ang natuklasan nila.

Basahin ang mga sumusunod na passage mula sa mga panalangin ng paglalaan ng Templo ni Solomon at ng Kirtland Temple at alamin ang mga pagpapalang hinahangad ni Solomon at ni Propetang Joseph Smith mula sa Panginoon.

Panahon ni Solomon

Ating Panahon

Panahon ni Solomon

1 Mga Hari 8:29–30, 35–40

Ating Panahon

Doktrina at mga Tipan 109:10–18

  • Ano ang mga katulad na halimbawa ng mga pagpapala ngayon kapag tayo ay naghahanda para sa bahay ng Panginoon at sumasamba rito?

Maaari mong ipaliwanag na pagkatapos ng paglalaan ng bahay ng Panginoon, nakaranas ang mga tao ng mga kamangha-manghang pagpapakita ng Kanyang kapangyarihan. Ang chart ng ito ay maaaring maging isang mapitagang sandali ng pag-aaral ng mga estudyante nang mag-isa, kung naaangkop.

Habang binabasa ninyo ang mga sumusunod na passage, anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kayong isipin kung ano ang maaaring pakiramdam na masaksihan ang mga pangyayaring ito.

Panahon ni Solomon

Ating Panahon

Panahon ni Solomon

1 Mga Hari 9:1–3

2 Mga Cronica 7:1–3

Ating Panahon

Doktrina at mga Tipan 110:2–10

  • Ano ang mga naging karanasan ninyo o ng isang kakilala ninyo sa pakikibahagi sa paglalaan ng templo?

  • Paano ninyo nadama ang kapangyarihan ng Tagapagligtas sa pagkakaroon ng Kanyang bahay sa mundo ngayon?

Maaaring angkop na ipaliwanag na mula nang ilaan ang Kirtland Temple, ang himnong “Espiritu ng Diyos“ ang inaawit sa bawat paglalaan ng templo sa iba’t ibang panig ng mundo. Maaaring kantahin o pakinggan ng mga estudyante ang himnong ito, at alamin ang natutuhan natin tungkol sa Panginoon at sa Kanyang bahay. Maaari mong ipanood ang video ng isang koro o grupo na kinakanta ang tulad ng “The Spirit of God” (5:32) mula sa ChurchofJesusChrist.org.

5:32

Ipakita ang pag-unawa

Para matulungan ang mga estudyante na maipakita ang pag-unawa, maaari mong ipakita ang mga tanong ni Angela mula sa unang bahagi ng lesson.

Isipin kung paano makatutulong ang mga aral na natutuhan ninyo ngayon sa isang taong tulad ni Angela na mas maunawaan ang layunin ng mga templo. Sagutin ang mga tanong kasama ang isang kapartner o sa iyong study journal.

  • Bakit nagtatayo ang inyong simbahan ng mga templo?

  • Paano naiiba ang templo sa iba pang gusali ng inyong simbahan?

Anyayahan ang mga estudyante na sanayin ang pagtuturo sa isang kapartner ng natutuhan nila sa kanilang pag-aaral ng tungkol sa templo ni Solomon at sa mga templo ngayon. Iminungkahi ng paghahanda ng estudyante para sa lesson na ito na maaaring magdala sa klase ang mga estudyante ng larawan ng malapit o paboritong templo. Kung nagdala ang mga estudyante ng larawan, maaari mo silang anyayahang ipakita ito sa klase at ibahagi kung bakit makabuluhan sa kanila ang templong iyon. Maaari mong ibahagi ang iyong nadarama tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang bahay sa pagtatapos ng klase.