Seminary
2 Samuel 11–12; 1 Mga Hari 3; 6–9; 11: Buod


“2 Samuel 11–12; 1 Mga Hari 3; 6–9; 11: Buod,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“2 Samuel 11–12; 1 Mga Hari 3; 6–9; 11: Buod,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

2 Samuel 11–12; 1 Mga Hari 3; 6–9; 11

2 Samuel 11–12; 1 Mga Hari 3; 6–9; 11

Buod

Parehong sinimulan ni Haring David at ng kanyang anak na si Solomon ang kanilang pamumuno sa Israel nang umaasa sa Panginoon, at sila ay kapwa pinagkalooban Niya ng malalaking pagpapala. Sa kasamaang-palad, ang mga desisyon ni David ang naging dahilan ng pagtalikod niya sa Panginoon at pagkawala ng kanyang kadakilaan. Sa mga unang taon ng kanyang paghahari, ang mapagpakumbabang hangarin ni Haring Solomon na magkaroon ng karunungan, patnubay, at mga pagpapala ng Panginoon ang nagpamarapat sa kanya na itayo ang templo, ang bahay ng Panginoon.

icon ng seminaryAnyayahan ang mga mag-aaral na ipamuhay ang natututuhan nila. Habang natututuhan ng mga estudyante ang ebanghelyo ng Tagapagligtas, matutulungan sila ng Espiritu Santo na malaman ang mga pagbabagong kailangan nilang gawin. Ang mga paanyaya na rebyuhin ang mga mithiing itinakda nila noon ay makatutulong din sa mga estudyante na makita kung paano sila umuunlad at gawin ang mga kinakailangang pagwawasto. Makakakita ng halimbawa ng kung paano ito gawin sa Lesson 80: “I-assess ang Iyong Pagkatuto 5.”

Para sa karagdagang kaalaman sa kung paano ito ginawa ng Tagapagligtas, tingnan ang bahaging “Inanyayahan ng Tagapagligtas ang Iba na Ipamuhay ang Kanyang Itinuro” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 26).

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

2 Samuel 11–12

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na malaman na hindi nila maitatago ang kanilang mga kasalanan sa Panginoon, ngunit maaari silang bumaling sa Kanya upang madaig ang tukso.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na ilista ang ilan sa mga kasinungalingan na ginagamit ni Satanas para tuksuhin tayong magkasala (halimbawa, maaaring rebyuhin ng mga estudyante ang 2 Nephi 28:6–9, 20–22). Pagkatapos ay anyayahan silang pagnilayan kung paano tayo tinutulungan ng mga katotohanang itinuro sa ebanghelyo ni Jesucristo na bumaling sa Panginoon kapag nahaharap tayo sa tukso.

  • Larawang ipapakita: Larawan ni Jesucristo na may kasamang isang tao na nakaharap sa Kanya at isang tao na nakatalikod sa Kanya

  • Nilalamang ipapakita: Dalawang hanay ng mga tagubilin na kukumpletuhin ng mga estudyante nang mag-isa o sa mga grupo; chart tungkol sa mga desisyon ni David

  • Mga Video:The Savior Wants to Forgive” (5:50); “I Stand All Amazed” (5:15)

1 Mga Hari 3

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na pagpapalain tayo ng Panginoon ng kakayahang maisakatuparan ang Kanyang gawain.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isulat ang isang bagay na sinisikap nilang gawin para makibahagi sa gawain ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Anyayahan ang mga estudyante na mapanalanging hilingin sa Ama sa Langit ang mga pagpapalang kailangan nila para matulungan Siya na maisakatuparan ang Kanyang gawain

  • Nilalamang ipapakita: Simpleng drowing ng “sarili mo” at “gawain ng Panginoon” na pinaghihiwalay ng malaking puwang; mga banal na kasulatan at tanong para sa pag-aaral nang mag-isa o sa grupo

  • Handout:Makibahagi sa Gawain ng Panginoon

1 Mga Hari 6–9

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pag-unawa na ang templo ay bahay ng Panginoon.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na magdala ng larawan ng isang kalapit o paboritong templo. Maaari silang maghandang ibahagi kung bakit makabuluhan sa kanila ang templo.

  • Mga Larawan: Ang Templo ni Solomon at isang kalapit na templo

  • Nilalamang ipapakita: Ang tanong ni Angela mula sa unang bahagi ng lesson; tatlong chart na may mga banal na kasulatan para sa pag-aaral nang mag-isa at sa mga grupo tungkol sa panahon ni Solomon at sa ating kasalukuyang panahon

  • Video:The Spirit of God

I-assess ang Iyong Pagkatuto 5

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga mithiing itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Lumang Tipan kamakailan.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan mga estudyante na isipin ang kanilang espirituwal na pag-unlad sa seminary sa taong ito. Hikayatin silang suriin ang kanilang mga pagsisikap sa pamamagitan ng pagrerebyu sa mga entry sa journal, mga banal na kasulatan na minarkahan nila, at mga tala na ginawa nila.

  • Mga Larawan: Isang paglalarawan na nagpapakita ng pagtubo ng binhi para maging isang halaman; isang templo; batang Samuel na nakikinig sa tinig ng Panginoon