“2 Samuel 11–12: Hindi Natin Maitatago ang Ating mga Kasalanan sa Panginoon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“2 Samuel 11–12: Hindi Natin Maitatago ang Ating mga Kasalanan sa Panginoon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
2 Samuel 11–12; 1 Mga Hari 3; 6–9; 11: Lesson 77
2 Samuel 11–12
Hindi Natin Maitatago ang Ating mga Kasalanan sa Panginoon
Sa tulong ng Panginoon, tinalo ni David si Goliat, nagtagumpay siya sa labanan, at naging hari siya ng Israel. Gayunpaman, sa kanyang pagnanasa kay Batseba, tinalikuran ni David ang Ama sa Langit at si Jesucristo at siya ay bumagsak mula sa kanyang kadakilaan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 132:39). Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na malaman na hindi nila maitatago ang kanilang mga kasalanan sa Panginoon, ngunit maaari silang bumaling sa Kanya upang madaig ang tukso.
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na ilista ang ilan sa mga kasinungalingan na ginagamit ni Satanas para tuksuhin tayong magkasala (halimbawa, maaaring rebyuhin ng mga estudyante ang 2 Nephi 28:6–9, 20–22). Pagkatapos ay anyayahan silang pagnilayan kung paano tayo tinutulungan ng mga katotohanang itinuro sa ebanghelyo ni Jesucristo na bumaling sa Panginoon kapag nahaharap tayo sa tukso.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga desisyon na nagiging dahilan ng ating pagbaling o pagtalikod sa Panginoon
Magpakita ng larawan ng Tagapagligtas na may mga arrow na papunta at palayo sa larawan. Anyayahan ang mga estudyante na sagutin ang mga sumusunod na tanong. Maaaring isulat ng mga estudyante ang mga sagot sa ilalim ng mga naaangkop na arrow sa pisara.
-
Ano ang ilang bagay na ninanais ng Panginoon na gawin natin para bumaling sa Kanya?
-
Anong mga kasinungalingan ang maaaring gamitin ni Satanas para kumbinsihin tayong tumalikod sa Panginoon?
Maaaring magbahagi ang mga estudyante ng iba’t ibang pariralang tulad ng mga ito: “Hindi ito mahalaga”; “Maaari kang magsisi kalaunan”; at “Wala akong sinasaktan.” Kung hindi ito babanggitin ng mga estudyante, isulat sa pisara ang Walang makakaalam. Ang sumusunod na talata ay isang paanyaya para sa mga estudyante na isali ang Espiritu habang isinasaalang-alang nila ang kanilang mga saloobin kapag nagkakamali sila.
Maglaan ng ilang sandali para anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kayong matukoy ang mga saloobin o ginagawa ninyo sa inyong buhay na nagiging dahilan ng pagbaling o pagtalikod ninyo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Habang nag-aaral kayo, maghanap ng mga impresyon ng Espiritu na makatutulong sa inyo na piliing bumaling sa Kanila.
Ang mga desisyon ni David na tumalikod sa Panginoon
Anyayahan ang mga estudyante na alalahanin ang mga kuwentong napag-aralan nila na nagpapakita na ginagabayan at pinapatnubayan ng Panginoon si David. Maaari mong ibahagi na ang kuwentong pag-aaralan nila ngayon ay naglalarawan ng nangyari nang gumawa si David ng sunud-sunod na desisyon na naging dahilan para tumalikod siya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
Habang binabasa ng isang estudyante ang bawat talata ng sumusunod na passage, maaaring itaas ng iba sa klase ang salitang Huminto o sumenyas kapag narinig nila na gumagawa si David ng desisyon na naging dahilan ng pagtalikod niya sa Panginoon. Sa tuwing hihinto siya, maaaring talakayin ng mga estudyante ang tanong sa ibaba.
Basahing mabuti ang 2 Samuel 11:1–5, at alamin ang mga desisyong ginawa ni David na nagdala sa kanya sa maling direksyon.
-
Anong mga desisyon ang natuklasan ninyo?
Anyayahan ang mga estudyante na gumawa sa pisara ng listahan ng mga desisyong ginawa ni David sa mga talatang ito at markahan ang mga ito sa kanilang mga banal na kasulatan. Kabilang sa kaliwang column ng chart sa lesson na ito ang mga halimbawa ng maaaring malaman ng mga estudyante.
Lahat tayo ay nahaharap sa mga tuksong kailangan nating mapaglabanan. Batid ito, nagbigay ang Panginoon ng matinding katiyakan sa 1 Corinto 10:13. Basahin ang talatang ito at alamin ang tulong na ipinangako sa atin ng Panginoon.
-
Ano ang natuklasan ninyo?
Ang sumusunod na aktibidad ay isang paraan kung paano matutulungan ang mga estudyante na makita na kahit may mga tuksong katulad ng mga nakaharap ni David, nagbigay ang Panginoon ng mga turong makatutulong sa atin na maiwasan ang tukso at maiwasan ang kasalanan. Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tagubilin na susundin ng mga estudyante sa maliliit na grupo o nang mag-isa. Depende sa kakayahan ng iyong mga estudyante, maaari mong ipakita ang mga banal na kasulatan sa pangalawang column at baguhin ang pangalawang hakbang, ipabasa sa mga estudyante ang banal na kasulatan o mga banal na kasulatan sa halip na hanapin ang mga ito.
Kumpletuhin ang mga sumusunod na tagubilin:
-
Pumili ng isa o mahigit pa sa mga desisyong ginawa ni David na naging dahilan ng paglayo niya sa Panginoon.
-
Maghanap ng isang banal na kasulatan na naglalaman o naglalarawan ng isa sa mga turo ng Tagapagligtas na makatutulong sa atin na maiwasan ang tukso at hindi gawin ang gayon ding pagpili.
-
Maghandang ibahagi ang nalaman mo.
|
Ang desisyon ni David |
Mga Turo ng Tagapagligtas at ng Kanyang mga propeta |
|---|---|
Ang desisyon ni David 2 Samuel 11:1—Nanatili si David sa Jerusalem nang magtungo ang mga hari sa labanan kasama ang kanilang mga hukbo. | Mga Turo ng Tagapagligtas at ng Kanyang mga propeta |
Ang desisyon ni David 2 Samuel 11:2—Nakita ni David si Batseba na naliligo at siya ay nagpatuloy na tumingin sa kanya. | Mga Turo ng Tagapagligtas at ng Kanyang mga propeta |
Ang desisyon ni David 2 Samuel 11:3—Niligawan siya ni David. | Mga Turo ng Tagapagligtas at ng Kanyang mga propeta |
Ang desisyon ni David 2 Samuel 11:4—Dahil alam ni David na may asawa na si Batseba, iniutos niya na dalhin ito kanyang palasyo. | Mga Turo ng Tagapagligtas at ng Kanyang mga propeta Genesis 39:9 |
Ang desisyon ni David 2 Samuel 11:4—Nilabag ni David ang batas ng kalinisang-puri. | Mga Turo ng Tagapagligtas at ng Kanyang mga propeta |
-
Ano ang pinakanapansin ninyo?
-
Ano ang nalaman ninyo tungkol sa Panginoon mula sa aktibidad na ito sa pag-aaral?
Para ibuod ang 2 Samuel 11:6–13, maaari mong ipaliwanag na nang malaman niyang buntis si Batseba, pinauwi ni David ang kanyang asawang si Urias mula sa labanan. Inutusan ni David si Urias na magpalipas ng gabi kasama si Batseba para magmukhang si Urias ang may pananagutan sa pagbubuntis nito.
Basahin ang 2 Samuel 11:14–17, 26–27, at alamin kung ano ang ginawa ni David nang hindi nagtagumpay ang plano niyang itago ang kanyang pakikiapid.
-
Ano ang mga naisip o nadama ninyo habang binabasa ninyo ang mga talatang ito?
Sumangguni sa listahan ng mga desisyon ni David sa pisara at idagdag ang Sinubukang itago ni David ang kanyang mga kasalanan.
Ipaliwanag sa mga estudyante na pagkatapos mamatay ni Urias, isinugo ng Panginoon ang Kanyang propetang si Natan kay Haring David. Habang binabasa nila ang sumusunod na talinghaga, maaaring ilarawan ng mga estudyante ang kuwento sa pisara o sa kanilang study journal.
Basahin ang 2 Samuel 12:1–10, at alamin kung ano ang sinabi ni Natan kay David.
-
Ano ang pinakanapansin ninyo mula sa talinghagang ito?
-
Anong mga katotohanan ang maaaring malaman ng isang tao mula sa kuwento ni David?
Bukod pa sa iba pang katotohanang maaaring matukoy ng mga estudyante, bigyang-diin na hindi natin maitatago ang ating mga kasalanan sa Diyos.
Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na i-cross reference o i-link ang 2 Samuel 12:7–9 sa 2 Nephi 9:20 at Alma 39:8.
-
Paano naging isang pagpapala na hindi natin maitatago ang ating mga kasalanan sa ating mapagmahal na Ama sa Langit?
-
Paano makatutulong sa atin ang pag-unawa sa katotohanang ito na bumaling sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at magsisi?
Kung kinakailangan, maaari kang sumangguni sa Doktrina at mga Tipan 132:39, at ibahagi na ang pagpatay kay Urias ang huling pagtatangka ni David na itago ang kanyang mga kasalanan. Dahil sa desisyong ito, nawala ang kadakilaan ni David. Tiyakin sa mga estudyante na mahal pa rin ng Panginoon si David, ngunit may mga pagpapala na hindi matatanggap ni David na bunga ng kanyang mga desisyon.
Maaari tayong bumalik sa Panginoon
Anyayahan ang mga estudyante na tahimik na pagnilayan ang natutuhan at nadama nila mula sa kuwento ni David. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na dahil lubos tayong kilala ng Ama sa Langit at ni Jesucristo, nauunawaan Nila ang ating kalagayan, kung bakit natin ginawa ang pagpiling ginawa natin, at kung paano tayo tutulungan na bumalik sa Kanila.
Maaaring panghinaan ng loob ang ilang estudyante dahil sa mga pagkakamaling nagawa nila. Para matulungan silang magtuon sa hangarin ng Panginoon na magpatawad, maaari mong ipanood ang video na “The Savior Wants to Forgive” (5:50) o “I Stand All Amazed” (5:15). Makukuha ang parehong video sa ChurchofJesusChrist.org.
Ibahagi ang natutuhan mo
Upang matulungan ang mga estudyante na maibahagi ang kanilang pag-unawa sa mga katotohanang itinuro, maaari mong gamitin ang larawan mula sa unang bahagi ng klase. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magdrowing ng katulad niyon sa kanilang study journal. Pagkatapos ay ipakita ang mga sumusunod na tagubilin na gagawin ng mga estudyante.
Sa iyong study journal, pumili ng isa sa mga desisyong ginawa ni David o isang tuksong maaaring kaharapin ng isang tinedyer ngayon. Isipin na kunwari ay nagbibigay ka ng payo sa isang taong iniisip na gawin ang desisyong iyon. Pumili ng kahit mga dalawang opsiyon mula sa sumusunod na listahan para ibahagi ang natutuhan mo.
-
Isang buod ng natutuhan mo ngayon tungkol sa hindi pagtatago ng mga kasalanan at sa halip ay pagbaling sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.
-
Isang scripture passage na naglalarawan sa itinuro ng Tagapagligtas at ng Kanyang mga propeta tungkol sa pagdaig sa tuksong pinili mo.
-
Isang karanasan mo o ng isang taong kilala mo na nakatulong sa iyo na bumaling sa Ama sa Langit at kay Jesucristo kapag nahaharap ka sa tukso.
-
Isang maikling patotoo tungkol sa kapangyarihan ng Tagapagligtas na tulungan tayong madaig ang tukso at magsisi kapag nagkasala tayo.
Maaari mong tapusin ang klase sa pamamagitan ng iyong patotoo na lubos na kilala at mahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo ang mga estudyante. Maaari mong tiyakin sa mga estudyante na anumang paghihirap ang nararanasan natin, mahal tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at handa Sila na tulungan tayong magsisi.