Seminary
1 Mga Hari 3: Pinagpapala Tayo ng Panginoon Upang Maisakatuparan ang Kanyang Gawain


“1 Mga Hari 3: Pinagpapala Tayo ng Panginoon Upang Maisakatuparan ang Kanyang Gawain,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“1 Mga Hari 3: Pinagpapala Tayo ng Panginoon Upang Maisakatuparan ang Kanyang Gawain,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

2 Samuel 11–12; 1 Mga Hari 3; 6–9; 11: Lesson 78

1 Mga Hari 3

Pinagpapala Tayo ng Panginoon Upang Maisakatuparan ang Kanyang Gawain

Norway: Youth Social Media 2020: Savannah Andrewsen

Naisip na ba ninyo kung paano nakatutulong sa inyo ang mga pagpapalang natatanggap ninyo mula sa Ama sa Langit para maisakatuparan ang Kanyang gawain? Matapos ang pagkamatay ng kanyang amang si David, hinirang ng Panginoon si Solomon na maging bagong hari ng Israel. Dahil sa kagustuhang igalang ang Panginoon, mapagpakumbabang hinangad ni Solomon ang mga pagpapala na magpapahusay sa kanyang kakayahang paglingkuran nang matwid ang Panginoon at ang mga Israelita. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan na pagpapalain tayo ng Panginoon ng kakayahang maisakatuparan ang Kanyang gawain.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isulat ang isang bagay na sinisikap nilang gawin para makibahagi sa gawain ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Anyayahan ang mga estudyante na mapanalanging hilingin sa Ama sa Langit ang mga pagpapalang kailangan nila para matulungan Siya na maisakatuparan ang Kanyang gawain

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mapagpakumbabang pagkilala sa ating mga kahinaan

Para simulan ang klase, magdrowing ng larawan sa pisara na tulad ng sumusunod. Maaaring kopyahin ng mga estudyante ang drowing sa kanilang study journal. Pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na talakayin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang ilang paraan kung paano tayo inanyayahan ng Tagapagligtas na makibahagi sa Kanyang gawain?

  • Ano ang ilang paraan kung paano maaaring madama ng isang tinedyer na hindi siya sapat para paglingkuran ang Panginoon?

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na maglista, sa pagitan ng mga larawan, ng ilang paraan kung paano maaaring madama ng isang tinedyer na hindi siya sapat. Maaaring tukuyin ng mga estudyante ang mga alalahanin, tulad ng pagkabalisa, pagkamahiyain, pakiramdam na natatakot o hindi karapat-dapat. Pagkatapos ay anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong.

Isipin ang ilan sa mga paanyaya sa inyo ng Panginoon na makibahagi sa Kanyang gawain.

  • Anong mga alalahanin ang mayroon ka tungkol sa kakayahan mong maisakatuparan ang Kanyang mga paanyaya?

  • Gaano kalaki ang kumpiyansa mo sa kakayahan ng Panginoon na tulungan kang madaig ang mga alalahanin mo?

Habang nag-aaral kayo ngayon, anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kayong maunawaan kung paano kayo tutulungan ng Panginoon na maisakatuparan ang Kanyang gawain.

Hinangad ni Haring Solomon na maghari nang matwid

Ibahagi sa mga estudyante na noong mamatay si Haring David, pinili ng Panginoon ang kanyang anak na si Solomon na mamuno bilang hari ng Israel (tingnan sa 1 Mga Hari 1:11–13). Minahal ni Solomon ang Panginoon at hinangad niya na maging matwid na hari (tingnan sa 1 Mga Hari 3:3). Maaari mong palitan ang label ng stick figure sa pisara ng Solomon at palitan ang kabilang bahagi ng Maging isang matwid na hari.

  • Paano kaya dapat kumilos ang isang matwid na hari?

  • Ano ang maaaring nadama ni Salomon nang siya ang humalili sa kanyang ama bilang hari?

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na scripture passage at tanong. Maaari mong pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Ipabasa sa isang kapartner ang 1 Mga Hari 3:5–9 at sa isa pa ang 1 Mga Hari 3:10–14, at pagkatapos ay ipabahagi ang kanilang mga sagot sa isa’t isa.

Basahin ang 1 Mga Hari 3:5–9, at alamin ang mga pagpapalang hiniling ni Solomon sa Panginoon.

  • Ano ang hinangaan mo sa kahilingan ni Solomon? Anong mga katangiang tulad ng kay Cristo ang ipinapakita ni Solomon?

Basahin ang 1 Mga Hari 3:10–14, at alamin kung anong mga pagpapala ang ipinangako ng Panginoon kay Solomon.

  • Paano mapapahusay ng “ isang pantas at matalinong pag-iisip” (talata 12) at ng “kayamanan at karangalan” (talata 13) ang kakayahan ni Solomon na paglingkuran nang matwid ang Panginoon?

  • Ano ang iniuutos ng Panginoon kay Solomon para maging karapat-dapat para sa mga pagpapalang ito? (talata 14).

Ibuod ang karanasan ni Solomon sa Panginoon bilang isang pahayag ng katotohanan.

Maaaring matukoy ng mga estudyante ang isang katotohanan na tulad ng: Kapag mapagpakumbaba nating kinikilala ang ating kahinaan at humihingi ng tulong sa Panginoon para pagpalain ang iba, dadagdagan Niya ang ating kakayahan na maisakatuparan ang Kanyang gawain. Maaaring makatulong na isulat ang katotohanang ito sa pisara at anyayahan ang mga estudyante na markahan ang mga pariralang nagtuturo ng katotohanang ito.

Basahin ang sumusunod na pahayag mula kay Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018), at alamin ang pangakong ibinigay sa lahat na handang makibahagi sa gawain ng Panginoon.

Official portrait of President Thomas S. Monson, 2008.

Ngayon, ilan sa inyo ay maaaring likas na mahiyain o itinuturing ang sarili ninyo na kulang sa kakayahang magampanan ang tungkuling [ibinigay ng Panginoon]. Tandaan na ang gawaing ito ay hindi lamang sa inyo at sa akin. Ito ay ang gawain ng Panginoon, at kapag tayo ay nasa paglilingkod ng Panginoon, may karapatan tayo sa tulong ng Panginoon. Tandaan na [palalakasin] ng Panginoon ang likod [natin] para makayanan ang pasanin na ilalagay dito. (“Para Matuto, Para Gawin, Para Maging,” Liahona, Nob. 2008, 62)

  • Paano makatutulong ang mga turo ni Pangulong Monson sa isang taong nag-aalala tungkol sa kakayahan niyang paglingkuran ang Panginoon?

Maaari kang magdrowing ng tulay sa pagitan ng bawat gilid ng larawan sa pisara at lagyan ito ng label na Ang tulong ng Panginoon. Anyayahan ang mga estudyante na magdrowing ng katulad nito sa kanilang study journal.

Dinaragdagan ng Panginoon ang ating kakayahan na paglingkuran Siya

icon ng seminaryMaaari mong tulungan ang mga estudyante na palalimin ang kanilang pag-unawa sa katotohanang ito. Ang isang paraan kung paano ito magagawa ay sa pamamagitan ng paggamit ng handout na “Makibahagi sa Gawain ng Panginoon.” Maaari mong hatiin ang handout sa dalawa at anyayahan ang mga estudyante na piliin ang bahaging nakatuon sa bahagi ng katotohanan na gusto nilang malaman pa. Maaari itong gawin ng mga estudyante nang mag-isa o nang kasama ang dalawa o tatlo pang pang kaklase na pinili ang parehong bahagi.

Pagkatapos ng aktibidad sa pag-aaral, anyayahan ang mga estudyante na tumugon sa sumusunod na paanyaya.

Sumangguni sa drowing sa inyong study journal mula sa simula ng klase. Mapanalanging isulat ang isa o dalawang kahinaan na sa palagay ninyo ay maaaring pumipigil sa inyo na mas mahusay na makapaglingkod sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kayong matukoy ang mga pagpapalang maaari ninyong hangarin mula sa Panginoon na makatutulong sa inyo na madaig ang mga kahinaang ito.

Ipakita ang pag-unawa

Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong ibahagi ang natutuhan nila. Maaaring maanyayahan nito ang Espiritu Santo na magpatotoo na ang kanilang ibinabahagi ay totoo. Ang sumusunod na aktibidad ay isang paraan kung paano matutulungan ang mga estudyante na gawin ito.

Isipin na kunwari ay ibinabahagi ng isang kaibigan ang pag-aalala niya tungkol sa pagtanggap ng bagong tungkulin sa inyong ward o branch. Sa pinag-aralan mo ngayon, ano ang ibabahagi mo na makatutulong sa kaibigan mo?

Maaari kang mag-anyaya ng mga boluntaryo para magbahagi sa klase. Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na iuwi ang kanilang handout at ibahagi ang natutuhan nila sa isang kapamilya o kaibigan. Maaari kang magpatotoo tungkol sa kapangyarihan at kahandaan ng Panginoon na bigyan tayo ng kailangan natin para tapat na gumawa kasama Niya sa dakilang gawaing ito.