“Paghahalaman,” Mga Paksa at Mga Tanong (2023)
Buod
Paghahalaman
“Ang pagiging self-reliant ay bunga ng ating paggawa at pundasyon ng lahat ng iba pang gawaing pangkapakanan. Ito ay isang mahalagang elemento sa ating espirituwal gayundin sa ating temporal na kapakanan.”
Ang pagtatanim, kahit sa maliit na hardin, ay nagdaragdag sa pagiging self-reliant. Sa tamang impormasyon at kaunting pagsasanay, matatamasa ng mga indibiduwal at buong pamilya ang maraming kapakinabangan ng pagtatanim at pag-aalaga ng hardin o halamanan.
Ang sumusunod na impormasyon ay ibinigay upang matulungan kang maihanda ang iyong hardin.
Pagpaplano para sa Isang Hardin
Habang nagsisimula kang magplano at maghanda para sa isang hardin, narito ang ilang pangkalahatang paalala:
-
Ang gulay ay nangangailangan ng hindi bababa sa anim na oras ng sikat ng araw sa bawat araw.
-
Ang lokasyon ng hardin ay dapat medyo patag. Kung may matarik na dalisdis, magtanim ng mga hanay ng pananim sa kabilang panig nito upang maiwasan ang pagguho ng lupa.
-
Makabubuting hukayin (haluin) ang lupa sa lalim na 12 hanggang 14 na pulgada. Ang pagdaragdag ng organikong bagay tulad ng pataba, peat moss, o dahon ay makatutulong sa lupa.
-
Mag-ingat sa mga pataba. Lahat ng pataba ay may tatlong digit code. Para sa mga gulay, hanapin ang 8-8-8 o 16-16-16.
-
Ang pinakasimpleng paraan para alisin ang mga peste ng halaman ay ang tanggalin ang mga insekto, uod, o itlog gamit ang kamay. May mga shake-on powder o likidong bug spray na medyo ligtas gamitin.
-
Ang tamang lalim para sa pagtatanim ng mga buto ay humigit kumulang na apat na beses na mas malalim dahil makapal ang buto.
Pagtatanim sa mga Lalagyan
Kung wala kang kapirasong lupa na pagtataniman, maaari kang magtanim ng mga gulay at herb sa mga lalagyan na kasya sa garahe, balkonahe, bubong, at maging sa mga pasimano ng mga bintana. Ang aktibidad na ito ay maaaring maging kawili-wili at kapaki-pakinabang sa matatanda at mga bata.