Library
Pakikipag-usap


“Pakikipag-usap,” Mga Paksa at mga Tanong (2023)

guro at mga estudyante na nagtatawanan

Buod

Pakikipag-usap

Hangad ng mga tunay na disipulo ni Jesucristo na tularan ang Kanyang halimbawa sa mga paraan ng pakikipag-usap nila. Ang kanilang mga pakikipag-usap, kapwa pasalita at hindi pasalita, ay dapat maging mabait, mahabagin, at matulungin, na nagpapakita ng pagmamahal para sa mga anak ng Ama sa Langit at ng pag-unawa na ang lahat ng tao ay magkakapatid.

Itinuro ni Elder L. Lionel Kendrick ng Pitumpu:

“Ang mga pakikipag-usap na tulad ng kay Cristo ay ipinahahayag sa mga tonong mapagmahal sa halip na pasigaw. Nilayon ang mga ito na makatulong sa halip na makasakit. Madalas na pinagbubuklod tayo ng mga ito sa halip na pinaglalayu-layo. Madalas na nagpapatatag ang mga ito sa halip na nanghahamak.

“Ang mga pakikipag-usap na tulad ng kay Cristo ay mga pagpapahayag ng pagmamahal at hindi ng galit, ng katotohanan at hindi ng gawa-gawa lamang, ng habag at hindi ng pakikipagtalo, ng paggalang at hindi ng pangungutya, ng payo at hindi ng pamimintas, ng pagwawasto at hindi ng panghuhusga. Sinasambit ang mga ito nang malinaw at hindi nang nakalilito. Maaaring magiliw o marahas ang mga ito, ngunit kailangan laging kontrolado ang mga ito.

“Ang tunay na hamon na kinakaharap natin sa ating mga pakikipag-usap sa iba ay na sanayin ang ating mga puso na magkaroon ng mga damdaming tulad ng kay Cristo para sa lahat ng anak ng Ama sa Langit. Kapag nagkaroon tayo ng ganitong pag-aalala sa kalagayan ng iba, makikipag-usap tayo sa kanila na tulad ng gagawin ng Tagapagligtas. Pagkatapos ay mapasisigla natin ang mga puso ng mga yaong maaaring tahimik na nagdurusa. Kapag nakatatagpo tayo ng mga taong may mga espesyal na pangangailangan sa landas ng buhay, mas mapasisigla natin ang kanilang paglalakbay sa pamamagitan ng mga bagay na sinasabi natin.

“Ang mga pakikipag-usap na tulad ng kay Cristo ay tutulong sa atin na magkaroon ng mabubuting relasyon at sa huli ay makabalik sa ating tahanan sa langit nang ligtas. Nawa’y pahalagahan natin ang banal na kaloob na pakikipag-usap, at nawa’y gamitin natin ito nang may katalinuhan upang patatagin at tulungan ang iba sa kagila-gilalas na paglalakbay na ito sa mortalidad.”

Kaugnay na Content

Mga Tala

  1. L. Lionel Kendrick, “Christlike Communications,” Ensign, Nob. 1988, 24.