Digital Lamang: Mga Tinig ng Kabataan
Ang Ministering ay para sa Lahat
Larawang kuha ni Joshua Dennis
Akala ko noon ang ministering ay para lamang sa pagtulong sa mga taong hindi miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Pero isang araw tinanong ako ng isa sa mga counselor sa bishopric kung maaari ko siyang samahan para bisitahin at paglingkuran ang isang miyembro sa aming ward.
Sa sandaling iyon, nagbago ang pananaw ko tungkol sa ministering. Hindi lamang ito para sa mga taong hindi miyembro. Maaari tayong mag-minister sa lahat, miyembro man sila ng Simbahan o hindi. Isa iyon sa pinakamagagandang karanasan ko. Kapag nagmi-minister ako, nakadarama ako ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagtulong at paglilingkod na tulad ng gagawin ni Jesucristo.
Brayan M., edad 16, State of Mexico, Mexico
Mahilig maglaro ng basketball, mag-swimming, at tumugtog ng piyano.