Paggamit ng Gabay
Pagbabahagi ng Ebanghelyo … sa Isang Amusement Park?
Nagpunta ako kamakailan sa isang amusement park kasama ang ilang kaibigan ko sa simbahan. Habang nakapila kami ng kaibigan kong si Evie para makasakay sa rollercoaster, sinimulan kaming kausapin ng isang binatilyong nagngangalang Erik tungkol sa kanyang YouTube channel. Malamang ay 15 minuto siyang nagkuwento kung paano siya pinagtawanan at sinabihan ng ilang kaeskuwela niya na i-delete ang channel niya.
Sa simbahan, hinamon kami ng aming mga lider na kumuha ng gabay na Para sa Lakas ng mga Kabataan at ibahagi ito sa isang tao. Tila nahihirapan si Erik sa mga kaibigan niya, kaya naisip ko na baka makatulong sa kanya ang gabay.
Kinuha ko iyon at sinabihan siya na itago niya iyon. Itinanong niya kung ano iyon, at ipinaliwanag ko na galing iyon sa Simbahan ko at na makakatulong iyon sa kanya na gumawa ng mabubuting desisyon at magtuturo sa kanya ng iba pang masasayang bagay. Sinabi ko sa kanya na basahin iyon kapag may oras siya. Nag-OK siya, ibinulsa iyon, at patuloy na nagkuwento tungkol sa kanyang YouTube channel.
Hindi ko alam kung binasa niya ang gabay, pero itinuro sa akin ng karanasang ito na maaari kang maging missionary sa anumang edad, saanmang lugar—kahit sa isang amusement park.