2025
Saan Ako Makasusumpong ng Kapayapaan Kapag Namatay ang Isang Taong Mahal Ko?
Para sa Lakas ng mga Kabataan Hulyo 2025


Saan Ako Makasusumpong ng Kapayapaan Kapag Namatay ang Isang Taong Mahal Ko?

binatilyo

Nang pumanaw ang tatay ko, ang lubos na nakatulong sa akin ay ang pananampalataya ko kay Jesus. Bago sumapi ang pamilya ko sa simbahan, Katoliko kami. Hindi ako mahilig magsimba, pero napakadeboto ng nanay ko. Nang pumanaw ang tatay ko, naaalala kong sinabi ng nanay ko na ayaw na niyang manalig.

May kaibigan noon ang nanay ko na miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, at dinala niya ang mga missionary sa bahay namin. Sabay kaming nag-aral at nagsimulang magsimba. Nagsimula akong manalig kay Jesus at sa Diyos at nagsimulang lumago ang aking pananampalataya. Kahit pumanaw na ang tatay ko, nanampalataya ako na balang-araw ay makikita namin siyang muli. Maaari kaming magkasama sa langit dahil kay Jesucristo.

Laging nariyan si Jesus para sa iyo. Kapag ikaw ay nalulungkot o nag-aalala o hindi maganda ang araw mo, maaari kang bumaling sa Kanya dahil mahal ka Niya. Ipaglalaban ka Niya.

Simon C., edad 18, Vilnius, Lithuania

Mahilig maglaro ng water polo, volleyball, at tumugtog ng accordion.