Mga Tinig ng mga Kabataan
Magtiwala sa Panginoon
Larawang-guhit ni Katelyn Budge
Nang unang turuan ng mga sister missionary ang pamilya ko tungkol sa plano ng kaligtasan matapos pumanaw ang tatay ko, may mga sandali na nag-alala ako at hindi ko alam kung naniwala ako roon. Pero kalmado ang mga kapatid kong lalaki at tinulungan akong manalig at hindi gaanong mag-isip tungkol sa lahat ng iyon.
Kung minsan pakiramdam ko ay hindi ako gaanong matatag sa Simbahan. Pero kung mayroon akong ipinag-aalala o problema, isang bagay lang ang lagi kong sinisikap isipin: Magtiwala sa Panginoon. Ginagabayan Niya ako sa dapat kong kalagyan.
Iyan ang dahilan kaya gusto kong magmisyon—para mas maunawaan Siya at maunawaan ang gusto Niyang gawin ko. Kapag nakikita ko ang mga missionary at ang espiritung taglay nila, gusto kong maging katulad nila. Mabubuting halimbawa sila ng mga disipulo ni Jesucristo. Dahil sa kanilang mga halimbawa, talagang nasasabik akong magmisyon pagkatapos ko ng high school. Gusto kong ibahagi ang aking kaligayahan at kaalaman sa mga kaibigan ko at sa iba.
Dora C., edad 18, Vilnius, Lithuania
Mahilig sa water polo at pagtugtog ng biyolin.