Mga Tinig ng mga Kabataan
Maliit na Apartment, Malalaking Plano
Larawang-guhit ni Katelyn Budge
Dati ay nakatira ang pamilya ko sa isang malaking bahay, pero nagbago ang lahat nang lumipat kami sa Hanoi. Tumira kami sa isang napakaliit na apartment, mga 30 square meters. Mahirap tumira sa isang makitid na espasyo kasama ang tatlo pang tao sa aking pamilya.
Pero nagpapasalamat ako na makakatulong ang Diyos para mangyari ang magagandang bagay mula sa anumang sitwasyon. Sa panahong iyon, nagawa kong maging interpreter sa simbahan at para sa aking mga magulang. Nakapagdasal ako araw-araw, nagpasa ako ng sakramento, at malugod kong tinanggap ang mga taong nagsisiyasat sa ebanghelyo. Alam ko na pinagpala at ginabayan ako ng Diyos upang magawa ang mga bagay na iyon.
Sa lahat ng hamon sa panahong iyon, naging mas matatag ang pananampalataya ko sa bawat araw. Maraming tao ang hindi nakakaalam tungkol sa ebanghelyo sa aming bansa, kaya ako ay maituturing na isang batang pioneer. Nais kong ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa mga tao para matulungan silang magkaroon ng masayang buhay magpakailanman kasama si Jesucristo at ang Ama sa Langit.
Duy N., edad 14, Hanoi, Vietnam
Natutuwa sa paglilingkod sa iba, pagbabasa ng mga banal na kasulatan, at pag-aaral ng iba pang mga wika.