2023
Mga Balita sa Kumperensya
Nobyembre 2023


“Mga Balita sa Kumperensya,” Kaibigan, Nob. 2023, 4.

Mga Balita sa Kumperensya

Mga Sipi mula sa Kumperensya

Panonood ng Kumperensya sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Batang babae na nakangiti

Dahil sa pagkakaiba ng oras, ang mga sesyon sa umaga ng kumperensya ay sa gabi natin pinanonood. Tuwang-tuwa kami nang ibalita ni Pangulong Nelson ang mga bagong templo!

Sofia D., edad 11, Bratislava Region, Slovakia

Batang babae na nakangiti

Naghahanda kami para sa kumperensya sa pamamagitan ng pagbili ng mga pagkain at pagpapahinga para hindi kami makatulog sa kalagitnaan ng kumperensya. Nagdarasal kami bilang pamilya para maunawaan at mabasa ang mga banal na kasulatan. Lagi akong sabik na makinig sa isang buhay na propeta at pakinggan ang salita ng Diyos.

Runakorwashe S., edad 7, Southern Region, Malawi

Batang lalaki na nakangiti

Dahil sa panonood ng kumperensya, gusto kong mapalapit kay Jesucristo. Siya ang Mabuting Pastol, at nagmamalasakit Siya sa atin, na Kanyang mga tupa. Kung minsan gumagala tayo at nalalayo nang kaunti, pero lagi Niya tayong hinahanap.

Efrain C., edad 9, San Juan Province, Argentina

20 Templo!

May 20 bagong templo na ibinalita sa kumperensya! Gumamit ng mapa para hanapin ang lokasyon ng bawat bagong templo. Kulayan ang espasyo sa outline ng templo kapag nakita mo ang bawat isa.

Savai’i, Samoa

Cancún, Mexico

Piura, Peru

Huancayo, Peru

Viña del Mar, Chile

Goiânia, Brazil

João Pessoa, Brazil

Calabar, Nigeria

Cape Coast, Ghana

Luanda, Angola

Mbuji-Mayi, Democratic Republic of the Congo

Laoag, Philippines

Osaka, Japan

Kahului, Hawaii, USA

Fairbanks, Alaska, USA

Vancouver, Washington, USA

Colorado Springs, Colorado, USA

Tulsa, Oklahoma, USA

Roanoke, Virginia, USA

Ulaanbaatar, Mongolia

Ikapu at mga Handog

Sa kumperensya, nalaman natin ang ilan sa mga paraan na ginagamit ng Simbahan ang ating pera sa ikapu at mga donasyon para pagpalain ang mga tao sa buong mundo!

  • Noong nakaraang taon, mahigit 1 bilyong US dollars ang ginamit upang pagpalain ang mga nangangailangan.

  • Isa pang 54 na milyong US dollars ang tumulong sa mga ina at anak na nangangailangan.

  • Ang ikapu ay tumutulong na suportahan ang mahigit 71,000 mga missionary na naglilingkod sa 414 na mga mission.

  • Ang ikapu ay tumutulong din sa pangangalaga ng 30,000 kongregasyon sa 195 mga bansa at teritoryo.

Mga Aral sa Buhay mula sa Propeta

Si Pangulong Nelson ay naging 99 anyos sa taong ito! Sa kanyang mensahe, ibinahagi niya ang ilan sa mga aral na natutuhan niya sa halos 100 taon ng buhay. Buklatin sa pahina 2 para mabasa ang itinuro niya.

PDF ng Kuwento