2023
Ang Napakagandang Plano ng Ama sa Langit
Nobyembre 2023


“Ang Napakagandang Plano ng Ama sa Langit,” Kaibigan, Nob. 2023, 2–3.

Isang Mensahe sa Kumperensya mula sa Propeta

Ang Napakagandang Plano ng Ama sa Langit

Hango mula sa “Isipin ang Kahariang Selestiyal!” Liahona, Nob. 2023, 115–17.

Dinalaw ni Jesucristo ang mga lupain ng Amerika

Ang plano ng Ama sa Langit para sa atin ay napakaganda. Ang ginagawa natin sa buhay na ito ay talagang mahalaga. Ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ang dahilan kung bakit posible ang plano ng Ama.

Nagdusa ang Tagapagligtas upang mapanatag, mapagaling, at masagip Niya tayo sa mga oras ng pangangailangan. Dahil sa walang-hanggang Pagbabayad-sala ni Jesucristo, ang plano ng ating Ama sa Langit ay isang perpektong plano! Tinutulutan nito ang bawat isa sa atin na piliin kung paano tayo mabubuhay.

Inaanyayahan ko kayong magsimulang “mag-isip nang selestiyal”! Kapag may problema ka, mag-isip nang selestiyal! Kapag tinutukso, mag-isip nang selestiyal! Kapag binigo kayo ng inyong mga mahal sa buhay, mag-isip nang selestiyal!

Habang iniisip mo ang kahariang selestiyal, gugustuhin mong manalangin nang mas madalas at mas taos-puso. Makikita mo ang mga pagsubok sa bagong pananaw. Habang iniisip mo ang kahariang selestiyal, madaragdagan ang iyong pananampalataya.

Ang Diyos ay buhay. Si Jesus ang Cristo. Ang Kanyang Simbahan ay ipinanumbalik upang pagpalain ang lahat ng mga anak ng Diyos.

Isipin ang Kahariang Selestiyal!

Itinuro ni Pangulong Nelson na ang pag-iisip nang selestiyal ay makatutulong sa atin na gumawa ng mabubuting pasiya. Sa bawat araw, idrowing o isulat kung ano ang magagawa mo para matularan ang halimbawa ng Tagapagligtas.

PDF ng Kuwento

Lumapit kay Jesus, ni Michael Malm