“Minamahal na mga Magulang,” Kaibigan, Nob. 2023, 49.
Minamahal na mga Magulang,
Nasabi ba ng inyong anak kahit kailan na mahirap o hindi makatarungan ang buhay? Maraming mahihirap na bagay ang nangyayari sa buhay, pero marami rin namang magagandang bagay. Basahin ang mga kuwento sa mga pahina 24 at 26 kasama ang inyong mga anak para pag-usapan kung paano tayo matutulungan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa mahihirap na panahon. Pagkatapos ay maaari kayong gumawa ng gratitude tree (pahina 8) para tulungan ang inyong pamilya na mapansin ang lahat ng paraan na ipinapakita Nila ang Kanilang pagmamahal!