2023
Pinagaling ni Jesucristo ang Isang Lalaki
Nobyembre 2023


“Pinagaling ni Jesucristo ang Isang Lalaki,” Kaibigan, Nob. 2023, 24–25.

Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Pinagaling ni Jesucristo ang Isang Lalaki

Tanggalin ang pahinang ito at itupi sa gitna. Pagkatapos ay itaas ang larawan habang nagkukuwento ka.

alt text here

Larawang-guhit ni Sam Lawlor

Isang araw, nakita ni Jesucristo ang isang lalaking bulag. Inakala ng ilang tao na binulag ng Diyos ang lalaki para parusahan siya. “Nagkasala ba ang taong ito? O ang kanyang mga magulang?” tanong nila.

Sinabi ni Jesus na ang pagkabulag ng lalaki ay hindi isang parusa. “Hindi rin nagkasala ang taong ito, ni ang kanyang mga magulang,” sabi Niya.

Nilagyan ni Jesus ng kaunting putik ang mga mata ng lalaki. Pagkatapos ay sinabi Niya sa lalaki na maghilamos sa isang tangke ng tubig. Nang gawin ng lalaki ang sinabi ni Jesus, gumaling siya! Nakakita ang lalaki.

Kung minsa’y nangyayari sa atin ang mahihirap na bagay. Matutulungan tayo ni Jesucristo at ng Ama sa Langit na matuto, lumago, at magkaroon ng kapayapaan. Mahal Nila tayo at nais tayong pagpalain!