“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata,” Kaibigan, Nob. 2023, 49.
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata
Para sa Mga Hebreo 1–6
Magkunwaring sama-sama kayong naglalayag sa isang barko. Paano ninyo malalaman kung saan pupunta? Pag-usapan kung paanong katulad ng isang kapitan si Jesucristo (tingnan sa Mga Hebreo 2:10). Kapag naniniwala tayo sa Kanya, magagabayan Niya tayo nang ligtas sa buhay.
Para sa Mga Hebreo 7–13
Kantahin ang “Pananalig” (Aklat ng mga Awiting Pambata, 50–51) Pag-usapan kung paano natin ipinapakita ang ating pananampalataya kapag nagtitiwala tayo sa Diyos at sumusunod kay Jesucristo.
Para sa Santiago
Sama-samang gumawa ng meryenda. Habang niluluto iyon, itanong, “Mahirap bang maghintay?” Hindi madaling maghintay. Pero kapag naghintay tayong dumating ang mabubuting bagay—tulad ng mga pagpapala ng Diyos—lagi itong magiging sulit.
Para sa 1 at 2 Pedro
Ilabas ang inyong mga musmos. Maaliwalas ba ang panahon? Maulan ba? Mag-isip ng isang bagay na magagawa ninyo para masiyahan sa panahon. Ituro na maaari tayong maging masaya, anuman ang sitwasyon sa paligid natin.
Para sa 1–3 Juan; Judas
Sukatin kung gaano katangkad ang inyong mga musmos. Ituro na habang lumalaki ang Tagapagligtas, gumawa Siya ng mabubuting pasiya araw-araw. Hilingan silang bumanggit ng isang mabuting pasiyang ginawa nila ngayon. Tulungan silang sabihing, “Lumalaki ako, tulad ni Jesus!”