“Ready, Set, Go!” Kaibigan, Nob. 2023, 38.
Masasayang Bagay
Ready, Set, Go!
Mga larawang-guhit ni Colleen Madden
Narito ang ilang bagay na magagawa mo para makapaghanda ka para sa Young Women o Young Men. Makakakuha ka ba ng apat na sunud-sunod?
-
Gumawa ng bookmark para sa iyong mga banal na kasulatan.
-
Kausapin ang isang taong maaaring nag-aalala tungkol sa pag-alis sa Primary.
-
Isabit sa bahay ang isang talata sa banal na kasulatan na gusto mo.
-
Ibahagi ang iyong patotoo sa isang tao.
-
Humingi ng kopya ng Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Pagpili sa inyong bishop o branch president.
-
Dekorasyunan ang isang notebook para dalhin sa klase.
-
Libreng Espasyo
-
Gumawa ng maikling sulat ng pasasalamat sa isang guro sa Primary.
-
Basahin ang mga tanong sa interbyu para sa temple recommend. (Makikita mo ang mga iyon sa pahina 37 ng Nobyembre 2022 na Kaibigan.)
-
Itanong sa isang tao kung ano ang pakiramdam ng makasama sa Young Men o Young Women.
-
Sabihin sa isang kaklase na samahan ka papunta sa bago mong klase.
-
Isulat ang inaasam mo sa Young Women o Young Men.
-
Kilalanin ang isang lider mula sa Young Women o Young Men.
-
Sumulat ng tatlong bagay na gusto mong matutuhan sa Young Men o Young Women.
-
Magbasa ng mga artikulo sa magasing Para sa Lakas ng mga Kabataan.
-
Tanungin ang bago mong lider tungkol sa mga aktibidad ng klase. Isulat ang mga iyon sa iyong kalendaryo!