Margo at Paolo
Hi, ako si Margo!
At ako naman si Paolo.
Nalibot na namin ang buong mundo kasama ang aming pamilya.
Pero ngayo’y nakauwi na kami sa Brazil.
Nagkaroon kami ng mabubuting kaibigan sa bawat lugar na nakita namin.
Tulad ni Hina mula sa Japan, at ni Marco mula sa Italy, at—
Mga bata, may sulat kayo mula sa mga kaibigan ninyo sa USA.
Matt at Mandy!
Natanggap nila ang Christmas card natin! At gusto nilang magkuwento tayo sa kanila tungkol sa Brazil.
Sabik na kaming ibahagi ang mga kuwento namin.
Halina’t kilalanin ang buong pamilya namin!
Ito ang lola namin. Gusto ko na nagluluto kami nang magkasama.
At gusto kong kainin ang iniluluto nila.
Ito ang mga magulang namin. Mahilig kaming mag-hiking at maglakbay sa mga bagong lugar na kasama sila!
Ito ang bunsong kapatid naming si Lucas.
Inampon siya ng pamilya namin noong nakaraang taon. Hindi magtatagal at ibubuklod siya sa pamilya namin sa templo!
At ito ang aming lorong si Kiwi. Gustung-gusto niya ng mga prutas at gulay!
Kiwi para kay Kiwi?
Medyo magulo ang bahay namin kung minsan.
Pero masayang-masaya rin naman dito. Tama ba, Kiwi?
Masayang-masaya! Squawk!
Hindi na kami makapaghintay na simulan ang bago naming pakikipagsapalaran dito sa Brazil.
Saan man tayo naroon, masusunod natin nang magkakasama si Jesus!
Mga larawang-guhit ni Katie McDee