2023
Pagsunod kay Jesus sa England
Enero 2023


Pagsunod kay Jesus sa England

Kilalanin sina Lucia, Vivie, at Zac!

Tungkol sa Kanila

Vivie and Lucia Jenkins (sisters) smile as they stand next to a miniature pony.
Zac Jenkins smiles as he stands next to a very tall sunflower.

Mga pangalan: Lucia, edad 7; Vivie, edad 9; at Zac, edad 9

Mula sa: Herefordshire, England

Wika: Ingles

Mga mithiin at pangarap: Maging mabuting kaibigan (Lucia), isaulo ang Mga Saligan ng Pananampalataya (Vivie), at tulungan ang iba pang mga bata na maglaro ng sports (Zac)

Pamilya: Sina Lucia at Zac ay magkapatid, at si Vivie ay pinsan nila

Paano Nila Sinusunod si Jesus

Two boys pushing a lawn mower

“Nakatira ang mga pamilya namin sa iisang sakahan ng aming Nana at Gramps,” sabi ni Lucia. “Maraming gagawin, pero maganda ang pakiramdam namin kapag naglilingkod kami. Alam namin na nais ni Jesus na maglingkod kami.”

“Tinutulungan namin si Nana na alagaan ang mga buriko,” sabi ni Vivie. “Inaakay namin sila papunta sa bukid para manginain. Nililinis namin ang kanilang mga kural, sinusuklay ang kanilang buhok, pinakakain sila, at pinupuno ang kanilang mga timba ng tubig. Gustung-gusto naming tumulong kay Nana.”

Sinusunod din ni Zac si Jesus sa pamamagitan ng paglilingkod. “Ang aming lolo-sa-tuhod ay naoperahan sa kamay. Hindi niya maalagaan ang kanyang hardin. Tumulong ang aking pamilya, mga pinsan, at lolo’t lola sa pagtabas ng damuhan at pagbunot ng mga damo. Masayang-masaya si Lolo!

Mga Paborito Nila

1. A map of Great Britain: With the Preston England Temple,  London England Temple, and Icon landmarks around the country to create an England feel. The background would extend behind the blocks of type, see rough layout. The dimensions include the background. 2. An Envelope 3.  Two girls, Lucia (age 7) and Vivie (age 9), riding horses together. 4. Collage of Mangos, Sweet potatoes, Broccoli 5. Queen Elizabeth 6. Three colored pencils: (Turquoise, purple and yellow)

Lugar: Gustung-gusto nina Lucia at Vivie na makasama ang mga kabayo

Kuwento sa banal na kasulatan: Ang paborito ni Zac ay noong maglakad si Jesus sa ibabaw ng tubig

Prutas o gulay:Mangga (Lucia), kamote (Vivie), broccoli (Zac)

Kulay: Lila (Lucia), turquoise (Vivie), at dilaw (Zac)

Subject sa paaralan: Art (Lucia at Vivie) at kasaysayan (Zac)

Mga larawang-gunit ni Lucy Semple Deakin