Hello mula sa England!
Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.
Ang England ay isang bansa sa Western Europe. Bahagi ito ng United Kingdom. Mahigit 50 milyong tao ang naninirahan doon.
Mga Unang Pioneer
Dumating sa England ang mga unang missionary noong 1837. Maraming tao ang nabinyagan at pagkatapos ay naglakbay papuntang USA. Ngayon ay halos 150,000 na ang mga miyembro ng Simbahan sa England!
Ang Wikang Ingles
Ang manunulat na si William Shakespeare ay nagmula sa England. Nag-imbento siya ng daan-daang salitang Ingles. Ngayon, halos 1.5 bilyong tao ang nagsasalita ng Ingles.
Isang Maharlikang Tahanan
Ang England ay may daan-daang mga kastilyo. Ang Windsor Castle ay itinayo noong ika-11 siglo at ito ang pinakalumang kastilyong tinitirhan pa rin ng mga tao.
Paglilibot sa London
Ang London, England, ang kabisera ng UK at isa sa pinakamalalaking lungsod sa Europe. Maraming matataas na pulang bus doon para tulungan ang mga tao na makalibot.
Dalawang Magagandang Templo
Ang England ay may mga templo sa Preston at sa London.
Mga larawang-guhit ni Raquel Martín