Bagong Tipan
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa mga Batang Musmos
Para sa Mateo 1; Lucas 1
Ipaliwanag na ang Bagong Tipan ay tungkol kay Jesus. Nalalaman natin ang Kanyang pangalan sa pinakaunang kabanata (tingnan sa Mateo 1:21). Isulat ang salitang Jesucristo sa papel at bigyan ng art supplies ang inyong anak para lagyan ng dekorasyon ang papel!
Para sa Mateo 2; Lucas 2
Magpakita ng isang larawan ng tagpong Nativity kasama sina Jesus, Maria, at Jose. Ipaliwanag na minsa’y naging bata rin si Jesus. Sabihin sa kanila na minahal Siya nang husto ng Kanyang mga magulang—tulad ng pagmamahal ninyo sa kanila. Yakapin nang mahigpit ang inyong mga musmos at sabihin sa kanila kung ano ang gustung-gusto ninyo sa kanila.
Para sa Juan 1
Isama ang inyong mga musmos na maglakad-lakad sa labas. Tingnan ang kamangha-manghang mga bagay sa kalikasan—tulad ng mga puno, ibon, hangin, o langit. Hayaan ang inyong mga anak na dumampot ng mga bato o amuyin ang mga bulaklak. Sabihin sa kanila, “Mahal ka ni Jesus at nilikha niya ang magandang mundong ito para sa iyo.”
Para sa Mateo 3; Marcos 1; Lucas 3
Kantahin ang “When Jesus Christ Was Baptized” (Children’s Songbook, 102). Ipaliwanag na nabinyagan si Jesus para sundin ang Ama sa Langit. Balang-araw, maaaring piliin din ng inyong mga musmos na mabinyagan! Magkuwento sa inyong mga anak tungkol sa inyong binyag. Bakit ito naging espesyal sa iyo?