Tuklasin ang Nauvoo at Carthage

Nang magtipon ang mga Banal sa lugar na kalaunan ay pinangalanan nilang Nauvoo, ito ay halos isang latian na. Pagkaraan lamang ng anim na taon, ang lungsod ng Nauvoo ay kinabilangan na ng mahigit 10,000 residente at isang napakagandang templo ang kitang-kitang nakatayo sa burol. Ang mga sumusunod na resources ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang pasikut-sikot ng lugar na ito ang iba’t ibang kuwento tungkol dito.
Ang Historic Nauvoo at Carthage Jail ay mahalaga sa kasaysayan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Ang Nauvoo Temple ay isang lugar ng pagkatuto at paghahayag kung saan ang mga Banal noon ay tumanggap ng mga ordenansa na katuparan ng mga pangakong ginawa ng Panginoon sa mga naunang paghahayag.
Muling itinayo, ang gusaling ito ay hindi lamang tindahan noon, ito rin ay isang lugar para sa pagtitipon ng komunidad at ng simbahan.

Alamin ang Tungkol sa Nauvoo at Carthage

Sa isang paghahayag kay Propetang Joseph Smith, paulit-ulit na tinawag ng Panginoon ang Nauvoo na “batong panulok ng Sion.” Si Joseph at ang komunidad ng mga Banal ay nagsikap na sundin si Cristo at lumikha ng matibay na pundasyon para sa Simbahan. Habang nagtatayo sila ng lungsod at templo sa kanilang lugar, ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol ay naglakbay sa iba’t ibang panig ng mundo at ibinahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo.

Ang sumusunod na mga artikulo ay pinagsama-sama sa mga buod ng tema upang matulungan kang mas maunawaan kung paano ginabayan ang mga Banal sa Nauvoo sa kanilang pangako na magtayo ng bagong lugar ng pagtitipon at sundin ang mga kautusan ni Jesucristo.
Itinalaga ng Panginoon ang Nauvoo bilang ang “batong panulok ng Sion.” Ang nakipagtipang komunidad ng Nauvoo ay sumunod sa tagubilin ng propeta na itayo ang bahay ng Panginoon, na nagtatag ng huwaran na patuloy na sinusunod.
Alamin kung paano tumugon ang mga Banal sa utos ng Panginoon na magtayo ng templo sa Nauvoo.
Alamin pa kung paano nagsikap ang mga apostol na ipalaganap ang ebanghelyo sa iba’t ibang panig ng mundo sa pagbisita mo sa mga tahanan ng kanilang mga pamilya sa Nauvoo.
Alamin kung paano nagsimula ang Relief Society, ang pandaigdigang organisasyon ng kababaihan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, sa pag-oorganisa ng kababaihan para tumulong sa pagtatayo ng templo sa Nauvoo.
Basahin ang iba pa tungkol sa buhay nina Joseph at Emma sa Nauvoo.
Kasunod ng pagtindi ng oposisyon at pagsira ng palimbagan, dinala sina Joseph at Hyrum Smith sa Carthage Jail. Habang naghihintay ng paglilitis ang magkapatid, isang armadong mandurumog ang sumugod sa gusali at pinaslang ang dalawang lalaki. Nagdalamhati ang mga Banal sa mga Huling Araw sa kanilang pagkamatay, at ngayon ang Carthage Jail ay nagsisilbing alaala sa magkapatid.
Alamin ang tungkol sa pioneer trail na tinahak ng mga Banal matapos ang paglalakbay mula sa Nauvoo.

Karagdagang Resources sa Pag-aaral

Basahin ang buod ng Nauvoo bilang komunidad ng mga Banal sa mga Huling Araw, kabilang ang mahahalagang paghahayag, turo, ordenansa, at pangyayaring naganap sa lungsod.
Subaybayan ang kuwento tungkol sa mga Banal sa mga Huling Araw mula sa pagbili ng lupain sa Illinois hanggang sa pagpaslang kay Propetang Joseph Smith sa kalapit na Carthage Jail.