Bukod pa sa gamit nito bilang isang tindahan, ang Red Brick Store ni Joseph Smith ay isang pang-administratibong punong-tanggapan ng Simbahan sa Nauvoo mula 1842 hanggang 1844. Mula sa kanyang opisina sa itaas, pinangasiwaan ni Joseph Smith ang mga gawain ng Simbahan at nagtala ng mga paghahayag. Sa isang malaking silid sa ikalawang palapag, pinangasiwaan ng Propeta ang kauna-unahang mga seremonya ng endowment na kalaunan ay isinagawa sa natapos na Nauvoo Temple. Dito ay inorganisa niya ang Female Relief Society of Nauvoo,
“ayon sa kaayusan ng priesthood.”Ang Red Brick Store ay itinayo noong 1841 at nagbukas para sa negosyo noong Ika-5 ng Enero, 1842. Sa sumunod na tatlong taon, ang gusali ay nagsilbing punong-tanggapan ng Simbahan at isang tindahan, lugar kung saan nagtitipon ang komunidad, at pribadong opisina. Si Bishop Newel K. Whitney ay mayroong pribadong opisina at opisina para sa ikapu sa unang palapag, sa tabi ng tindahan. Sa ikalawang palapag, si Joseph ay nagtrabaho sa kanyang pribadong opisina, kung saan natatanaw ang ilog. Sa tabi ng opisina ni Joseph, na sinasakop ang malaking bahagi ng ikalawang palapag, ay isang malaking silid na ginagamit sa mga patitipon, pagpupulong ng mga konseho, at mga seremonya. Giniba ang gusali noong 1890. Ang kasalukuhang estrukturang yari sa ladrilyo ay isang replica na binuksan noong 1980.
May dalawang makasaysayang pangyayari na nangyari sa Red Brick Store na nangyari sa pagitan ng ilang buwan. Noong ika-17 ng Marso, 1842, sa isang malaking silid para sa mga pagtitipon sa ikalawang palapag, inorganisa ng Propeta ang
Female Relief Society of Nauvoo, na kalaunan ay nakilala bilang Relief Society. Pagkatapos, noong ika-4 ng Mayo, 1842, inihayag ni Joseph ang kauna-unahang seremonya ng
endowment sa
siyam na lalaki sa ikalawang palapag ng Red Brick Store. Bago matapos ang pagtatayo ng templo, nakatanggap si Joseph ng paghahayag tungkol sa mahahalagang ordenansa na kalaunan ay isasagawa sa loob ng templo. Maingat niyang inayos ang ikalawang palapag ng gusali na tulad ng nais niyang ayos ng loob ng templo nang sa gayon ay maisagawa ang mga ordenansa sa isang lugar na tulad ng templo.
Basahin ang iba pa tungkol sa pag-organisa ng Relief Society at ang pagpapanumbalik ng mga ordenansa sa templo sa
Mga Banal, Tomo 1, Kabanata 37.Ang Red Brick Store ni Joseph Smith ay naging pag-aari at pinangasiwaan ng Community of Christ bilang bahagi ng Joseph Smith Historic Site. Ito ay inilipat sa Historic Nauvoo noong 2024. Nagpapasalamat kami sa pag-iingat na ginawa ng mga dating nangangalaga at para sa patuloy na pakikipagtulungan ng Community of Christ at ng iba pang mga kasama.
Ano ang Aasahan
Sisimulan ng mga bisita ang kanilang tour sa unang palapag ng Red Brick Store. Gagabayan sila ng mga missionary sa tindahan na bahagi ng gusali bago umakyat sa itaas. Sa ikalawang palapag, habang nakaupo ang mga bisita silid, ibabahagi ng mga missionary ang tungkol sa pag-organisa ng Relief Society, pagpapakilala sa endowment, at ang paggawad ng mga Susi ng Priesthood. Ang grupo ay bababa sa hagdan at lalabas sa pinto sa likod (timog).
360° Walkthrough