Mansion House

Ang Mansion House ay ang huling bahay ni Propetang Joseph Smith at ng kanyang pamilya. Ito ay nagsilbing lugar ng pagtitipon ng komunidad sa Nauvoo at kung saan ang maraming interesadong bisita ay nakipagkita kay Joseph.
Mansion Home
Two-story white house with dark green shutters.

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–4:00 PM
Tuesday
10:00 AM–4:00 PM
Wednesday
10:00 AM–4:00 PM
Thursday
10:00 AM–4:00 PM
Friday
10:00 AM–4:00 PM
Saturday
10:00 AM–4:00 PM
Sunday
12:00 PM–4:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–4:00 PM
Tuesday
10:00 AM–4:00 PM
Wednesday
10:00 AM–4:00 PM
Thursday
10:00 AM–4:00 PM
Friday
10:00 AM–4:00 PM
Saturday
10:00 AM–4:00 PM
Sunday
12:00 PM–4:00 PM

Physical Address
610 Water St, Nauvoo, IL 62354
Nauvoo , Illinois 62354
USA

Physical Address

610 Water St, Nauvoo, IL 62354
Nauvoo , Illinois 62354
USA

Contact

Contact


Services
Parking
Guided Tours
Cell Service

Services

Parking
Guided Tours
Cell Service

Two-story white house with dark green shutters.
Ang Mansion House ay ang huling bahay ni Joseph Smith sa Nauvoo. Dito, ang propeta ay mayroong opisina sa ikalawang palapag kung saan naglaan siya ng oras para sa kanyang gawain sa simbahan at sa pulitika. Sa bahay niya rin nakasama ang mga kaibigan at kapamilya, nagsisilbing ama at asawa habang aktibong nakikibahagi sa komunidad.

Sina Joseph at Emma Hale Smith, kanilang apat na anak, at si Lucy Mack Smith, ang ina ng propeta ay lumipat sa Mansion House noong ika-31 ng Agosto, 1843. Pinagsilbihan ng Mansion House ang maraming pangangailangan ng Pamilya Smith. Ang mga batang Smith at ilang iba pa ay nag-aral sa Mansion House. Sa gabi, ang mga nakatatanda ay tumanggap ng mga bisita sa mga hapunan, sayawan, at iba pang kaganapan. Habang kumakalat ang katanyagan ni Joseph sa buong mundo, marami ang bumisita sa Nauvoo na naghahangad na makilala ang propeta. Habang pinanatili ng pamilya Smith ang ilang silid para sa kanilang personal na paggamit, simula noong Enero 1844 marami sa mga silid ay inupahan ni Ebenezer Robinson na ginawa naman niyang hotel para sa maraming bisita. Ang Egyptian mummies na binili habang ang Mga Banal ay nasa Kirtland, Ohio, ay idinispley ni Lucy Mack Smith sa mga bisita na handang magbayad ng maliit na halaga.

Pagkatapos mapatay sina Joseph at Hyrum sa Carthage Jail noong ika-27 ng Hunyo, 1844, ang kanilang mga bangkay ay dinala sa Mansion House kung saan ang pamilya Smith at kanilang mga kaibigan ay nagluksa sa pagkamatay ng magkapatid; at inihanda ang mga labi para sa paglilibing. Sa loob ng ilang araw, habang nasa magkatabing mga kabaong ang magkapatid sa loob ng Mansion House, libu-libong Mga Banal sa mga Huling Araw at iba pang tao mula sa mga kalapit na komunidad ang nagbigay-pugay at nagpaalam kay Joseph at Hyrum.

Basahin ang tungkol sa paglipat ng pamilya ni Joseph Smith sa Mansion House at ang tungkol sa iba pang taong nakasama nila sa Mga Banal, Tomo 1 Kabanata 41.

Basahin ang tungkol sa pagbabalik ng bangkay nina Joseph at Hyrum sa Mansion House sa Mga Banal, Tomo 1 Kabanata 45.

Ang Mansion House ay naging pag-aari at pinangasiwaan ng Community of Christ bilang bahagi ng Joseph Smith Historic Site. ito ay inilipat sa Historic Nauvoo noong 2024. Nagpapasalamat kami sa pag-iingat na ginawa ng mga dating nangangalaga at para sa patuloy na pakikipagtulungan ng Community of Christ at ng iba pang mga kasama.


Ano ang Aasahan


Ang Mansion House ay binibisita lamang bilang bahagi ng mas malaking tour na kinabibilangan ng buong Bahay ng Pamilya Smith. Mula sa pinto sa harap, ang mga bisita ay aakyat muna at titingnan ang mga silid sa ikalawang palapag, pagkatapos ay babalik sa ibaba at titingnan ang modelo ng bahay para malaman ang mga pagbabago sa floor plan sa paglipas ng panahon. Ang mga hindi makaayat ng hagdan ay maaaring matingnan ang mga litrato ng mga silid sa modelo ng bahay. Sunod namang pupuntahan ang pampublikong silid ng hotel, at pagkatapos ay sa parlor. Ang bawat silid na ito ay mayroong kuwento na tatagal nang mga limang minuto. Sa pagtatapos ng tour, ang mga tao ay dadaan sa may kusina at lalabas sa pinto sa gilid.

360° Walkthrough

Mobility Accessibility


Labas

  • Dalawang baitang papasok sa gusali

Loob

  • Ang tour ay pupunta sa una at ikalawang palapag. Kailangang gumamit ng hagdan para makapunta sa itaas. Kausapin ang mga missionary para sa alternatibong mga karanasan sa tour.

Terrain at Flooring


Labas

  • Kalsada: Aspalto (maayos ang kundisyon); patag
  • Bangketa: Konkreto (maayos ang kundisyon); patag
  • Daanan: Ladrilyo, damo (maayos ang kundisyon); patag

Loob

  • Flooring: Kahoy

Mga upuan

  • May ilang mauupuan sa loob.
Mansion Home
Two-story white house with dark green shutters.

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–4:00 PM
Tuesday
10:00 AM–4:00 PM
Wednesday
10:00 AM–4:00 PM
Thursday
10:00 AM–4:00 PM
Friday
10:00 AM–4:00 PM
Saturday
10:00 AM–4:00 PM
Sunday
12:00 PM–4:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–4:00 PM
Tuesday
10:00 AM–4:00 PM
Wednesday
10:00 AM–4:00 PM
Thursday
10:00 AM–4:00 PM
Friday
10:00 AM–4:00 PM
Saturday
10:00 AM–4:00 PM
Sunday
12:00 PM–4:00 PM

Physical Address
610 Water St, Nauvoo, IL 62354
Nauvoo , Illinois 62354
USA

Physical Address

610 Water St, Nauvoo, IL 62354
Nauvoo , Illinois 62354
USA

Contact

Contact


Services
Parking
Guided Tours
Cell Service

Services

Parking
Guided Tours
Cell Service

Last Updated On Jan 17, 2025