Ang Sementeryo ng Pamilya Smith ang huling hantungan ni Propetang
Joseph Smith, kanyang asawang si
Emma Hale Smith, kanyang mga kapatid na sina
Hyrum, Don Carlos, at Samuel; kanilang mga magulang na sina
Lucy Mack Smith at
Joseph Smith Sr.; at labimpitong iba pang kaibigan at kamag-anak. Ang sementeryo ay isang banal na lugar na nagbibigay-diin sa buhay at mga pagsasakripisyo ng pamilya Smith, at ng kanilang pananampalataya sa walang hanggang plano ng kaligtasan ng Panginoon.
Pagkatapos paslangin sina Joseph at Hyrum sa Carthage Jail noong ika-27 ng Hunyo, 1844, inuwi ang kanilang mga bangkay sa Nauvoo. Pagkatapos silang maihanda para sa paglilibing, ibinurol sila sa silid-kainan ng Mansion House, kung saan halos 10,000 tao ang dumalaw upang magbigay ng kanilang huling paggalang. Nangangamba na baka lapastanganin ng mga kaaway ang kanilang mga libingan, palihim silang inilibing ng mga kaibigan sa hindi pa natatapos na silong ng Nauvoo House. Kalaunan noong taglagas o taglamig, ang kanilang mga bangkay ay inilipat nang palihim at inilibing sa Bahay ng Pamilya Smith sa ilalim isang maliit na gusali.
Basahin ang tungkol sa pagkamartir nina Joseph at Hyrum Smith sa
Mga Banal, Tomo 1, Kabanata
44.
Ang Sementeryo ng Pamilya Smith ay isang pribadong sementeryo. Ito ay bukas sa publiko 24 oras bilang isang self-guided experience sa pakikipagtulungan sa pamilya Smith. Nagpapasalamat kami para sa maingat na pangangalaga at patuloy na pakikipagtulungang ipinapakita ng aming mga kasama.
Ano ang Aasahan
Ang Sementeryo ng Pamilya Smith ay isang self-guided experience. Maaari kayong maglakad-lakad sa sementeryo at tingnan ang mga lapida. Ang sementeryo ay maingat na sinusubaybayan at pinangangalagaan bilang isang makasaysayang sementeryo. Mangyaring huwag galawin ang mga nahulog o nasirang lapida; ang paggalaw sa mga ito ay maaaring magdulot ng karagdagang sira.
360° na mga Walkthrough