Carthage Jail
Kasunod ng pagtindi ng oposisyon at pagsira ng palimbagan, dinala sina Joseph at Hyrum Smith sa Carthage Jail. Habang naghihintay ng paglilitis ang magkapatid, isang armadong mandurumog ang sumugod sa gusali at pinaslang ang dalawang lalaki. Nagdalamhati ang mga Banal sa mga Huling Araw sa kanilang pagkamatay, at ngayon ang Carthage Jail ay nagsisilbing alaala sa magkapatid.
“Nadama naming lahat na para bang nanaig ang kapangyarihan ng kadiliman, at tinalikdan ng Panginoon ang Kanyang mga tao. Ang aming Propeta at Patriyarka ay wala na!” —Warren Foote1
Isinulat ng Banal sa mga Huling Araw na si Warren Foote ang mga salitang ito sa kanyang journal isang araw matapos paslangin ng mga mandurumog si Joseph Smith at ang kanyang kapatid na si Hyrum sa Carthage Jail. Ang mga salita ni Foote ay nagpapakita ng labis na kapighatian na nadama ng mga Banal sa mga Huling Araw matapos ang pagkamatay ng mga martir. Ngayon, sa pamamagitan ng masusing pag-aaral tungkol sa mga huling araw ng magkapatid, ang piitan ay tumutulong sa mga mga bisita na maalala ang propeta at patriyarka.

Mga Pangyayaring Naganap Bago ang Pagkamatay ng mga Martir
Nang umunlad ang Nauvoo mula sa dating bayan na halos latian at naging masigla at mataong lungsod, dumami rin ang oposisyon sa mga Banal sa mga Huling Araw. Ang ilan ay nabalisa tungkol sa kapangyarihan ni Joseph Smith sa komunidad, ang iba ay natakot sa impluwensya ng mga Banal sa pulitika, samantalang ang ilan ay hindi sang-ayon sa mga turo at gawain ng relihiyon—lalo na sa pag-aasawa nang maramihan.2 Kalaunan, ang sitwasyon sa Nauvoo ay naging isang nakababahalang sitwasyon na nagbabadya ng kaguluhan.
Ang pagsira sa isang palimbagan ay nagpatindi sa sitwasyon sa Nauvoo, na humantong sa pagkamatay ng mga martir. Pinasimulan ng ilang humiwalay na dating mga Banal sa mga Huling Araw angNauvoo Expositor , isang pahayagan na bumabatikos sa propeta at sa Simbahan. Nanawagan si Joseph Smith na sirain ang palimbagan matapos mailathala sa pahayagan ang una—at nag-iisang—isyu nito.
Ang pagsira sa isang palimbagan ay nagpatindi sa sitwasyon sa Nauvoo, na humantong sa pagkamatay ng mga martir. Pinasimulan ng ilang humiwalay na dating mga Banal sa mga Huling Araw ang
Unang pahina ng nag-iisang isyu ng Nauvoo Expositor.
Ang pagsira sa palimbagan ay humantong sa isang warrant para sa pag-aresto kina Joseph at Hyrum sa kasong panggugulo at sunud-sunod na mga legal na paglilitis. Kalaunan, ang magkapatid, na naglilingkod bilang alkalde at bise-alkalde ng Nauvoo sa panahong iyon, ay sumuko sa kasong panggugulo sa korte ng county sa Carthage, kung saan sila, kasunod niyon, ay maling inakusahan ng pagtataksil laban sa estado ng Illinois dahil sa pagdedeklara ng batas militar.3 Dahil hindi pinagpiyansa, hinintay nila ang kanilang paglilitis sa Carthage Jail.4
Harapan ng Carthage Jail sa kanlurang bahagi.
Mga araw bago ang Pagkamatay ng mga Martir
Nang dumating sina Joseph at Hyrum sa Carthage Jail noong Hunyo 25, 1844, inilagay sila sa selda sa itaas na madaling bantayan at hindi madaling masalakay. Gayunpaman, nanatili lamang sila sa madilim na silid na ito ng ilang oras bago inilipat sa ibaba sa holding cell o pansamantalang selda habang naghihintay ng paglilitis.
Selda para sa mga Kriminal, Carthage Jail.
Selda para sa mga hindi nagbayad ng utang o Debtor’s cell, Carthage Jail.
Dahil sa pagkapoot ng publiko kay Joseph Smith, naisip ng bantay sa piitan, na si George Stigall, na napakadelikado sa debtor’s cell. Dahil nasa ibaba o ground floor ang magkapatid, sila ay madaling masalakay. Inilipat niya sina Joseph at Hyrum sa itaas sa silid-tulugan ng pamilya noong Hunyo 26. Sinamahan sila ng kanilang mga kaibigan na sina John Taylor, Willard Richards, Stephen Markham, Dan Jones, at John Fullmer.
Silid-tulugan sa itaas, Carthage Jail.
Kinabukasan, Hunyo 27, nilisan nina Stephen Markham, Dan Jones, at John Fullmer ang piitan para sa ilang gawain. Sina Joseph at Hyrum, kasama sina John Taylor at Willard Richards, ay nanatili sa silid-tulugan. Wala pang 10 guwardiya ang bantay sa piitan, na nagpadali sa pagsalakay sa kalalakihan. Ang hindi sapat na proteksyong ito ay talagang naging sanhi ng kamatayan.
Mob at Carthage Jail [Mga Mandurumog sa Carthage Jail], ni William L. Maughan
Hagdan na patungo sa silid-tulugan, Carthage Jail.
Kaagad na kinuha nina Joseph at Hyrum ang kanilang mga baril, habang sina John at Willard ay kumuha ng mga tungkod para depensahan ang kanilang sarili. Diniinan ng apat na lalaki ang pintuan para hindi pwersahang makapasok sa silid ang mga mandurumog.
Hindi napigilan, binaril ng mga mandurumog ang pinto, ang bala ay tumagos at tumama sa mukha ni Hyrum at halos agad niyang ikinamatay. Nagliparan ang mga bala ng musket habang pinipilit ng tatlong lalaki na mapanatiling sarado ang pinto.

Pinto ng silid-tulugan na may mga butas sa tama ng bala, Carthage Jail.
Sa sandaling ito ng kaguluhan, tumakbo si Joseph papunta sa bintana, umaasang makakatakas. Ang pagtatangkang tumakas ay walang saysay, dahil napalilibutan ng mga mandurumog ang piitan. Habang nasa pasimano ng bintana, ilang bala ng musket ang tumama sa kanyang katawan—dalawa sa kanyang likod at isa sa ibaba ng kanyang puso.
Bintana sa loob kung saan binaril si Joseph, Carthage Jail.
Muling itinayong balon sa labas kung saan namatay si Joseph, Carthage Jail.
Nauvoo Mansion House, Joseph Smith Historic Site.
Tungkol sa prusisyon patungo sa Mansion House, naalala ng isang saksi:
“Ang kababaihan ay napahagulgol nang makita nila ang dalawang karaniwang kahon na nasa mga bagon, na natatakpan ng mga kumot ng Indian. Ang pagtangis ay lumaganap sa mga tao, at umabot sa malalaking grupo ng mga tao mula sa Templo hanggang sa tirahan ng Propeta. Ang panaghoy at paghikbi at pagsigaw ay lalong tumindi, at lumakas, hanggang sa ang tunog ay tila tulad ng dagundong ng isang malakas na bagyo, o ng isang mababa, malalim na ugong ng buhawi sa malayo.”5
Maraming tao ang dumating para magbigay-galang sa minamahal na propeta at sa kanyang kapatid . Sila ay lihim na inilibing sa silong ng hindi natapos na Nauvoo House , ngunit kalaunan ay inilipat sila sa Smith Family Cemetery .
“Ang kababaihan ay napahagulgol nang makita nila ang dalawang karaniwang kahon na nasa mga bagon, na natatakpan ng mga kumot ng Indian. Ang pagtangis ay lumaganap sa mga tao, at umabot sa malalaking grupo ng mga tao mula sa Templo hanggang sa tirahan ng Propeta. Ang panaghoy at paghikbi at pagsigaw ay lalong tumindi, at lumakas, hanggang sa ang tunog ay tila tulad ng dagundong ng isang malakas na bagyo, o ng isang mababa, malalim na ugong ng buhawi sa malayo.”5
Smith Family Cemetery, Joseph Smith Historic Site.
Pag-alaala sa Pagkamatay ng mga Martir
Ang Carthage Jail ay nananatiling alaala nina Joseph at Hyrum Smith. Ang mga bumibisita ngayon ay maaaring pagnilayan hindi lamang ang tungkol sa mga huling araw ng propeta at ng patriyarka kundi pati na rin ang kanilang pamana. Mababasa natin sa Doktrina at mga Tipan 135:3 , na isinulat agad pagkatapos ng pagkamatay ng mga martir, “[Si Joseph Smith] ay nabuhay na dakila, at siya ay namatay na dakila sa paningin ng Diyos at ng kanyang mga tao; at gaya ng karamihan sa hinirang ng Panginoon noong mga sinaunang panahon, ay tinatakan ang kanyang misyon at kanyang mga gawain ng kanyang sariling dugo; at gayon din ang kanyang kapatid na si Hyrum.”
Commemorative statue nina Joseph at Hyrum Smith, ni Dee Jay Bawden, Carthage Jail.
Mga Tala
Mga Tala
1. Warren Foote, Autobiography and journal, 28 June 1844, 73, Church History Library, Salt Lake City.
2. Tingnan sa Spencer W. McBride, Joseph Smith for President: The Prophet, the Assassins, and the Fight for American Religious Freedom (New York: Oxford University Press, 2021), 181–82.
3. Tingnan sa Dallin H. Oaks, “The Suppression of the Nauvoo Expositor,” Utah Law Review, vol. 9, no. 4 (Winter 1965), 866.
4. Tingnan sa McBride, Joseph Smith for President, 191–92.
5. B. W. Richmond, quoted in Andrew Jenson, ed., The Historical Record (Salt Lake City, 1888), 7:574.