Pioneer Trail
Ang Nauvoo ang simula ng Mormon Pioneer National Historic Trail, na umaabot ng 1,300 milya (2,090 kilometro) mula sa Mississippi River patawid sa Great Plains at Rocky Mountains patungo sa Great Salt Lake Valley. Ang paglalakad sa Parley Street ng Nauvoo ngayon ay nagpapasigla sa pananampalataya, katapangan, at sakripisyo na kinakailangan upang sundin ang mga lider na propeta sa isang hindi kilalang ilang sa paghahanap ng kapayapaan.
Ang Desisyon na Umalis
Sa loob ng mahigit limang taon, ang mga residente ng Nauvoo ay sabik sa paggawa sa pagtatayo ng isang lungsod. Gayunpaman, noong Enero 1845, pinawalang-saysay ng lehislatura ng Illinois ang city charter ng Nauvoo, na bumuwag sa kapulisan, mga korte, at sa Nauvoo Legion. Lahat ng normal na legal na paraan para maprotektahan ang mga Banal sa mga Huling Araw ay binawi. Kasabay nito, dumami ang maling balita at karahasan laban sa mga miyembro ng Simbahan.
Noong una, tinawag ni Brigham Young ang mga missionary mula sa Quorums of the Seventy para maglakbay sa mga kalapit na bayan at tumulong na maiwaksi ang maling mga impresyon tungkol sa mga miyembro ng Simbahan. Nagsumamo rin siya sa gobernador ng estado na mamagitan para sa mga Banal sa mga Huling Araw. Ang payo ng gobernador ay maghiwa-hiwalay mula sa Nauvoo o kung hindi man ay lisanin ang estado. Ang pagpili na sundin ang utos ng Panginoon na magtipon bilang mga tao ay nangangahulugan na ang pag-alis sa Illinois ang tanging makatuwirang alternatibo sa karahasan ng mga mandurumog. Ang mga lider ng Simbahan ay humingi ng panahon at nangako na lilisanin ang Nauvoo sa tag-init ng 1846.
Noong una, tinawag ni Brigham Young ang mga missionary mula sa Quorums of the Seventy para maglakbay sa mga kalapit na bayan at tumulong na maiwaksi ang maling mga impresyon tungkol sa mga miyembro ng Simbahan. Nagsumamo rin siya sa gobernador ng estado na mamagitan para sa mga Banal sa mga Huling Araw. Ang payo ng gobernador ay maghiwa-hiwalay mula sa Nauvoo o kung hindi man ay lisanin ang estado. Ang pagpili na sundin ang utos ng Panginoon na magtipon bilang mga tao ay nangangahulugan na ang pag-alis sa Illinois ang tanging makatuwirang alternatibo sa karahasan ng mga mandurumog. Ang mga lider ng Simbahan ay humingi ng panahon at nangako na lilisanin ang Nauvoo sa tag-init ng 1846.
Assembly room sa Seventies Hall. Ang dalawang-palapag na gusali na yari sa laryo ay inilaan noong Enero 1, 1845. Ito ay muling itinayo sa orihinal na pundasyon nito noong 1972.
Ang paglipat ng libu-libong tao ay aabutin ng matagal na panahon, pera, sipag, pakikipagtulungan, at maraming inspirasyon. Ang Korum ng Labindalawa ay regular na nagpulong noong 1845. Nagpatawag din sila para sa pulong ng mas malaking Konseho ng Limampu o Council of Fifty habang naghahangad sila ng impormasyon at banal na patnubay kung saan pupunta at kung paano makakasama sa kanila maging ang pinakamahihirap na Banal sa mga Huling Araw sa Nauvoo. Marami sa mga council meeting ang idinaos sa itaas ng Seventies Hall, kung saan maaari silang sumangguni sa mga aklat at mapa sa library habang maingat nilang pinag-iisipan ang kanilang mga opsiyon. Noong Mayo 1845, ang Konseho ay may plano na maglakbay sa Great Basin sa Rocky Mountains.
Library sa muling itinayong Seventies Hall.
Mga Bagon para sa Paglalakbay
Sina Chauncy, Edwin, Edward, Pardon, at Wesley Webb ay magkakapatid na natuto ng pagpapanday mula sa kanilang ama. Sina Edwin at Chauncy ay nagpapatakbo ng isang smithy at wainwright shop sa tabi ng Seventies Hall. Nang ipahayag ang desisyong lisanin ang Nauvoo, kinailangan ang mga kasanayan ng magkakapatid at ng marami pang ibang panday at karpintero nang dumami ang pangangailangan para sa matitibay na bagon na makakatagal sa pagtawid sa kaparangan. Sa loob ng ilang buwan ang kanilang mga pandayan ay gumawa ng mga gulong na bakal, wheel hub, at iba pang metal na bahagi ng bagon na binuo sa loob ng kanilang wainwright shop. Noong Enero 1846, ang pagtitipon sa pandayan ng mga Webb ay umabot sa iba pang mga bakanteng espasyo, kabilang ang pangunahing palapag ng Seventies Hall.
Ipinapakita ng isang boluntaryong missionary ang mga kasanayan sa paggawa ng bagon at pagpapanday sa pandayan ng magkakapatid na Webb.
Paglalakbay ni Mary Ann Young
Dahil marami pang kailangang gawin habang papalapit na ang oras ng pag-alis, ginugol ni Brigham Young ang halos buong panahon niya na malayo mula sa kanyang tahanan sa pakikipagpulong sa iba o paglilingkod sa halos tapos nang templo. Dahil doon ay naiwan ang kanyang asawang si Mary Ann Angell Young para pangasiwaan ang paghahanda sa bahay nang mag-isa. Sa loob ng ilang linggo, siya at ang kanilang limang anak sa bahay—edad 1 hanggang 11—ay nagtipon ng iminungkahing dami ng pagkain, kagamitan, damit, at iba pang mga suplay. Noong Pebrero 15, 1846, isinara nila ang mga pinto ng kanilang bahay na yari sa laryo sa Nauvoo sa huling pagkakataon at pinatakbo ang kanilang kargadong bagon pababa sa Parley Street bago tumawid sa Mississippi River. Hindi nagsulat sa diary si Mary Ann sa mga linggong iyon, kaya hindi natin alam kung ano ang nararamdaman niya sa mga sakripisyong ginagawa niya. Ngunit makalipas ang maraming taon, naalala ni Emmeline B. Wells ang magandang halimbawa ni Sister Young para sa kanya:
Silid-tulugan sa tahanan ni Brigham Young. Isipin ang pagpili kung ano ang iiimpake at iiwan noong taglamig ng 1846.
Katapusan
Ang pioneer trail ng mga Banal sa mga Huling Araw ay sinusundan ang kaparehong ruta ng iba pang tumatawid sa North America para maghanap ng matabang lupa at ginto sa California. Ngunit ang mga tumakas sa Nauvoo noong 1846 ay hindi lamang naghahanap ng lupa. Sila ay mga relihiyosong refugee na determinadong manatili sa landas ng tipan. Ang mga yaong naglakad sa Parley Street ng Nauvoo ngayon ay pinag-iisipan kung anong pananampalataya, katapangan, at sakripisyo ang kinakailangan upang masunod ang tagubilin ng propeta patungo sa isang lugar kung saan maipamumuhay nila ang ebanghelyo ni Jesucristo at matulungan ang iba.
Mga Tala
Mga Tala
1. Emmeline B. Wells, “Biography of Mary Ann Angell Young,” Juvenile Instructor, Jan. 15, 1891, 58.