Homes of the Apostles
Ibinahagi ng ipinanumbalik na mga tahanan ng tatlong Apostol sa Nauvoo kung paano nagsikap ang mga miyembro ng Korum ng Labindalawa na tuparin ang utos na ipalaganap ang ebanghelyo ni Jesucristo.
Heber C. Kimball Begins the Work at Preston, England [Sinimulan ni Heber C. Kimball ang Gawain sa Preston, England], ni Richard Murray, 2013
Noong tagsibol ng 1837, ipinaliwanag ni Joseph Smith kay Heber C. Kimball na tinawag itong mamuno sa unang grupo ng mga missionary sa England. Sinamahan ng kapwa Apostol na si Orson Hyde si Heber. Kasunod ng espirituwal na pahiwatig, sila at ang kanilang mga kasama ay nangaral sa Preston at sa lambak ng River Ribble sa Lancashire. Ang unang pagsisikap na ito ang siyang naghanda ng daan para sa mas maraming gawaing misyonero nang lumipat ang Simbahan sa Nauvoo, Illinois.
Pagtataguyod sa Pamilya
Habang nasa England sina Heber Kimball at Orson Hyde, isang krisis sa pananalapi ang lumaganap sa Amerika, at nalugi ang bangko na itinataguyod ng Simbahan sa Kirtland. Maraming tao, pati na ang mga kapamilya mismo ni Marinda Hyde, ang umalis sa Simbahan sa pagkadismaya. Sumulat si Marinda sa kanyang asawa tungkol sa kaguluhan at kalituhan noong mga panahong iyon at pagkatapos ay nagbahagi ng kanyang sariling patotoo:
“Mahal kong Orson, hindi ko alam kung ano ang isusulat ko kung may oras at espasyo ako, sapagkat ang mga nangyayari sa Kirtland na nararanasan namin ngayon ay hindi mo kailanman nasaksihan. Ngunit, natutuhan ko sa pamamagitan ng karanasan na kailangan ng bawat isa sa atin na maging handa at manalangin at alamin mismo sa ating sarili, sapagkat tila nawala ang lahat ng tiwala sa isa’t isa.”1

Gadfield Elm Chapel. Ibinigay ng mga convert na Banal sa mga Huling Araw mula sa United Brethren ang kanilang meetinghouse sa Simbahan noong 1840. Noong panahong iyon, ito lamang ang kapilya na pag-aari ng Simbahan sa buong mundo.
Nangaral ang mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng British Isles, 1839–41
Ang pangalawang misyon ni Heber C. Kimball sa ibang bansa ay inatas muli sa pamamagitan ng paghahayag.2 Sa pagkakataong ito, anim pang Apostol ang sumama sa kanya mula sa Far West, Missouri, patungong Liverpool at nagsimulang ipalaganap ang ebanghelyo sa iba’t ibang panig ng British Isles. Kasama sa grupong ito sina Brigham Young, John Taylor, Parley at Orson Pratt, George A. Smith, at Wilford Woodruff, maliban lang kay Orson Hyde. Dumating si Orson sa England kalaunan, noong Abril 1841. Nang buwang iyon, sa isang kumperensya ng Simbahan sa Manchester, nalaman ni Orson na si Willard Richards ay tinawag sa Korum ng Labindalawa, na mahigit 7,000 katao ang nabinyagan, at maraming pamilya ang nagbabalak na magtipon sa Nauvoo.
Pagtataguyod sa Pamilya
Nasasabik na si Vilate Kimball na makatanggap ng balita mula sa kanyang asawa na nasa England. Noong Disyembre 1840, nakilala niya ang ilan sa kababaihang British na kakarating lang sa Nauvoo. Isinulat niya na “ngayon lang ako mas nasiyahang mabisita. … Masaya sila na makita ako na parang matagal na kaming magkakilala.”3 Pinayagan ni Vilate ang 21 taong gulang na si Elizabeth Ravenscroft na manirahan sa tahanan ng mga Kimball, at ang dalawang babae ay nakadama ng “lubos na kapanatagan habang magkasama” habang hinihintay ni Vilate ang pagbabalik ni Heber.
Isang pin cushion ang nakadispley sa tahanan ng mga Hyde ang nagpapaalala sa mga bisita ng paglalakbay ni Orson patungong Jerusalem.
Pagkatapos ng kumperensya noong Abril, habang naghahanda sa pag-uwi sina Heber Kimball, Wilford Woodruff, at iba pang mga Apostol, naglakbay nang mag-isa si Orson Hyde sa Europa patungong Palestina. Sa kanyang paglalakbay, nakipagkita siya sa mga lider ng relihiyon at ibinahagi ang layunin ng kanyang misyon. Noong Oktubre 24, 1841, umakyat siya sa Bundok ng mga Olibo at ginampanan ang kanyang tungkulin na ilaan ang Jerusalem para sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw, gaya ng ipinropesiya ng mga sinauna at makabagong propeta.
Habang nasa malayo si Orson, sumapi si Marinda sa Nauvoo Female Relief Society at nakibahagi sa pagsisikap na pangalagaan ang mga nangangailangan. Bilang pasasalamat sa misyon ni Orson sa Palestina, ang mga Banal sa mga Huling Araw ng Nauvoo ay nagbigay ng serbisyo at mga suplay para makapagtayo ng bahay para sa pamilya Hyde.

Itinayo ng mga Banal ang bahay na ito para sa pamilya Orson at Marinda Hyde upang pasalamatan sila sa kanilang pagsisikap na ilaan ang banal na lupain.
Ang mga kagamitang nakadispley sa sitting room ng tahanan ng mga Woodruff—kabilang na ang mga ceramic dog figurine sa mantel—ay ipinapaalala sa mga bisita ang paglilingkod ng mag-asawa sa England bilang missionary.
Ang huling misyon sa ibang bansa ay naganap makalipas ang ilang taon, kasunod ng kamatayan ni Joseph Smith. Nang magtipon ang Korum ng Labindalawang Apostol sa Nauvoo, tinalakay nila ang mga paraan para matulungan ang mga miyembro ng Simbahan na nakatira malayo sa headquarters na manatiling tapat sa ebanghelyo. Nagkasundo sila na dapat pumunta ang isa sa kanila sa Europa upang mamuno sa mga dumaraming branch doon. Si Wilford Woodruff ang napiling maglingkod. Ang kanyang asawang si Phebe ay tinawag din na samahan ang kanyang asawa bilang missionary, na nagbigay ng isang huwaran para sa pamumuno ng mga misyon sa Simbahan sa hinaharap.
Ang mga miyembro ng pamilya sa Connecticut at mga bagong binyag sa England ang nangalaga sa mga anak ni Woodruff habang wala ang kanilang mga magulang sa bahay. Ang kapatid ni Wilford na si Eunice Webster at ang kanyang pamilya ay nanirahan sa hindi pa tapos na tahanan ng Woodruff sa Nauvoo. Habang naglilingkod bilang mission companion ng kanyang asawa, isinilang ni Phebe Woodruff ang isang anak na lalaki na pinangalanang Joseph.

Katapusan
Ang mga tahanan nina Orson Hyde, Heber C. Kimball, at Wilford Woodruff ay nagpapakita lamang ng ilang halimbawa ng mga paraan ng pagsisikap ng Korum ng Labindalawa na tuparin ang utos ng Diyos na gawing batong panulok ng Sion ang Nauvoo at tumulong sa pagtitipon ng nagkalat na Israel. Ang pananampalataya, tapang, at sakripisyong ipinakita ng mga Apostol na ito na maglakbay sa ibang bansa ay tinumbasan ng pamumuhay ng mga kapitbahay at kapamilya ng kanilang relihiyon sa kanilang tahanan.
Mga Tala
Mga Tala
1. Heber C. Kimball collection, 1837–1898 (bulk 1837–1865) / Letters, 1837–1839 / Vilate Kimball letter: Kirtland, Ohio to Heber C. Kimball, Preston, England (Enclosure of note from Marinda W. Hyde to Orson Hyde), p. 3 (original), 17 (typescript) CHL Call Number: MS 12476.
2Doktrina at mga Tipan 118:3.
3. Kimball, Vilate Murray, 1806–1867. Mga liham ni Vilate M. Kimball, https://catalog.churchofjesuschrist.org/assets/1256a549-7c1a-4f08-abb1-8dcde0812ecf/0/7.
2
3. Kimball, Vilate Murray, 1806–1867. Mga liham ni Vilate M. Kimball, https://catalog.churchofjesuschrist.org/assets/1256a549-7c1a-4f08-abb1-8dcde0812ecf/0/7.