Nauvoo Temple: Pagkakaroon ng mga Ordenansa sa Templo
Ang Nauvoo Temple ay mahalagang bahagi ng komunidad tulad ng itinayong Nauvoo Illinois Temple ngayon.
Ang Abril 6, 1841, ang ikalabing-isang anibersaryo ng organisasyon ng Simbahan, ay isang araw ng kasiyahan, pagdiriwang, at pasasalamat sa Nauvoo at sa karatig lugar. Nagsimula ang araw sa parada ng mga miyembro ng militia ng mga Banal sa mga Huling Araw mula sa mga pamayanan sa magkabilang panig ng Mississippi River. Nagmartsa sila nang may koordinasyon patungo sa bakuran ng templo, kung saan tinatayang 10,000 Banal at kaibigan ang kanilang nakasama upang saksihan ang paglalagay ng batong panulok ng templo. Nagsimula ang pulong sa panalangin at pag-awit, bago nagbigay ng isang nakasisiglang mensahe si Sidney Rigdon.1 Nagtipon sila, sabi ni Rigdon, “upang sundin ang kalooban at utos ng Panginoon ng kaluwalhatian” na magtayo ng templo ayon sa plano na ibinigay ng paghahayag. Pagkatapos ng mensahe, inilagay ang apat na batong panulok at nagpahayag si Joseph Smith ng pagpapala upang ang mga ito ay “manatili hanggang sa matapos ang [templo] . . . upang ang mga Banal ay magkaroon ng lugar na masasamba nila ang Diyos, at ang Anak ng Tao ay magkaroon ng mapagpahingahan ng kanyang ulo.”2
Ang pagtatayo ng templo sa Nauvoo ay isinunod sa huwarang itinatag sa mga komunidad na itinayo noon ng mga Banal sa Ohio at Missouri. Nang iniutos ng Panginoon sa mga Banal na magtipon sa Ohio noong 1831, nangako Siya na bibigyan sila ng Kanyang batas at sila ay “papagkalooban ng kapangyarihan mula sa kaitaasan” (Doktrina at mga Tipan 38:32 ). Nang magtipon ang mga Banal noon sa Kirtland, Ohio, iniutos sa kanila ng Panginoon na “magtayo ng bahay . . . ng Diyos” kung saan sila matuturuan ng ebanghelyo, kung saan maibibigay ang batas, at kung saan maaaring isagawa ang mga ordenansa (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88 ; ikumpara sa Doktrina at mga Tipan 109 ). Sa pagitan ng 1833 at 1836, walang pagod na nagtrabaho ang mga Banal sa pagtatayo ng Bahay ng Panginoon sa Kirtland; isang gawain na wala silang kadalubhasaan o kakayahan sa pananalapi para maisakatuparan. Sa kabila ng kanilang kahirapan, nagtayo sila ng napakagandang istraktura na tinanggap ng Panginoon at kung saan tumanggap sila ng karagdagang mga susi ng priesthood na magbibigay-kakayahan sa pagsasagawa ng mga ipinangakong ordenansa (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 110 ). Kabilang sa mga ordenansang ito, na ihahayag lahat at unang isasagawa sa Nauvoo, ang mga binyag para sa mga patay , ang ganap na endowment , at ang ordenansa ng pagbubuklod .
Ang pagtatayo ng templo sa Nauvoo ay isinunod sa huwarang itinatag sa mga komunidad na itinayo noon ng mga Banal sa Ohio at Missouri. Nang iniutos ng Panginoon sa mga Banal na magtipon sa Ohio noong 1831, nangako Siya na bibigyan sila ng Kanyang batas at sila ay “papagkalooban ng kapangyarihan mula sa kaitaasan” (
Mga Pagbibinyag para sa mga Patay
Noong Enero 1836, nang malapit nang matapos ang Kirtland Temple, ipinabatid ni Joseph Smith ang mga bagong ordenansa na tinatawag na “mga paghuhugas at pagpapahid” sa isang grupo ng mga lider ng Simbahan sa ikatlong palapag ng templo. Sa unang pulong na ito, nakatanggap si Joseph Smith ng isang paghahayag na nagpapakita sa kanya na ang mga pumanaw nang walang pagkakataong tanggapin ang mga ordenansa ng ebanghelyo ay bibigyan ng pagkakataong gawin ito sa kabilang-buhay. “Lahat ng nangamatay na walang kaalaman sa ebanghelyong ito,” paliwanag ng Panginoon, “na kanilang tatanggapin ito kung sila lamang ay pinahintulutang manatili, ay magiging mga tagapagmana ng kahariang selestiyal ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 137:7 ). Gayunman, kung paano ito mangyayari at kung anong mga ordenansa ang magiging posible, ay nanatiling hindi malinaw sa oras ng paghahayag na ito.
Noong Agosto 15, 1840, hiniling kay Joseph Smith na magsalita sa libing ni Seymour Brunson. Sa kanyang mensahe, nakita ni Joseph si Jane Neyman, isang kapatid na babae na ang anak na si Cyrus ay kamakailan lamang namatay nang hindi nabinyagan. Dahil alam niyang nag-aalala si Jane tungkol kay Cyrus, binasa ni Joseph ang1 Corinto 15:29 at itinuro na ang mga buhay na kalalakihan at kababaihan ay maaaring makibahagi sa mga ordenansa para sa kanilang yumaong kapamilya at mga kaibigan. Hindi nagtagal matapos ang mensahe, nagtungo si Jane sa Mississippi River kung saan siya nabinyagan para kay Cyrus.3
Noong Agosto 15, 1840, hiniling kay Joseph Smith na magsalita sa libing ni Seymour Brunson. Sa kanyang mensahe, nakita ni Joseph si Jane Neyman, isang kapatid na babae na ang anak na si Cyrus ay kamakailan lamang namatay nang hindi nabinyagan. Dahil alam niyang nag-aalala si Jane tungkol kay Cyrus, binasa ni Joseph ang
Mga orihinal na plano para sa bautismuhan na itinayo sa basement ng Nauvoo Temple.
Nang matanggap ni Joseph Smith ang paghahayag na nag-uutos na magtayo ng templo sa Nauvoo, kasama rito ang mga tagubilin na ang ordenansa ng mga binyag para sa mga patay ay “nabibilang sa aking bahay” at iniutos sa mga Banal na magtayo ng isang bautismuhan sa templo para sa layuning ito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 124:29–36 ). Ang karagdagang mga paghahayag, na natanggap noong 1842, ay nagpaliwanag pa kung paano dapat isagawa at itala ang ordenansa (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 127 at Doktrina at mga Tipan 128 ).
Ang Endowment
Sa mga unang taon ng Simbahan, masigasig na hinangad ng mga Banal ang katuparan ng pangako na pagkakalooban ng kapangyarihan mula sa kaitaasan. Kahit na ang alitan sa kanilang mga kapitbahay ay nauwi sa malagim na karahasan, nanatili ang mga Banal sa pag-asang maipapaabot ang kaligtasan sa lahat sa pamamagitan ng mga ordenansa ng templo. Ang mga lugar para sa pagtatayuan ng mga templo ay inilaan sa Independence, Adam-ondi-Ahman, at Far West, Missouri, na may pag-asang ang ipinangakong karagdagang mga ordenansa at ang mga paraan para maibigay ang kaligtasan sa lahat ay ihahayag.
Itaas na palapag ng muling itinayong Red Brick Store.
Ang mga paghuhugas at pagpapahid na inihayag sa mga Banal sa Kirtland ang simula ng pagkakaloob ng kapangyarihan, gayunman, alam ni Joseph Smith at ng mga Banal na hindi ito kumpleto. Pagdating sa Nauvoo, umasa silang makapagtayo ng isa pang templo para makibahagi sa mga ordenansang ito at matanggap ang bahaging hindi pa rin inihayag. Noong Enero 1842, matapos buksan ni Joseph Smith ang kanyang pangkalahatang tindahan , iniutos niya sa mga miyembro ng Korum ng Labindalawa na ihanda ang kanilang sarili sa pagtanggap ng endowment.4
Noong Mayo 4, 1842, pinamunuan ni Joseph Smith ang piling grupo ng mga lider ng Simbahan sa silid sa itaas ng kanyang tindahan. Doon, sa isang espesyal na pulong, inilahad niya ang kumpletong endowment sa templo na kamakailan lamang ay inihayag sa kanya. Ang seremonya ay nagsimula sa mga paghuhugas at pagpapahid tulad ng mga ginanap sa Kirtland at nagpatuloy sa isang bagong ordenansa na, batay sa banal na kasulatan, ay nagturo tungkol sa kaayusan ng langit at nanawagan sa mga nakikibahagi na pumasok sa mga sagradong tipan upang mamuhay nang matwid at maglingkod sa kaharian ng Diyos.5
Ang ordenansang ito ay pinalawak kalaunan upang isama ang lahat ng miyembro ng Simbahan—lalaki at babae—na handang pumasok sa mga sagradong tipan. Ang isang bersiyon ng ordenansang ito ay isinasagawa ngayon sa mga templo sa buong mundo para sa buhay at mga patay.
Ang ordenansang ito ay pinalawak kalaunan upang isama ang lahat ng miyembro ng Simbahan—lalaki at babae—na handang pumasok sa mga sagradong tipan. Ang isang bersiyon ng ordenansang ito ay isinasagawa ngayon sa mga templo sa buong mundo para sa buhay at mga patay.
Pangitain sa Kirtland Temple.
Noong Abril 3, 1836, sina Joseph Smith at Oliver Cowdery ay nagtungo sa mga pulpito ng Kirtland Temple kung saan sila yumukod sa “taimtim at tahimik na panalangin.” Matapos tumayo mula sa pagkakaluhod, isang pangitain ang nabuksan tungkol sa Tagapagligtas na si Jesucristo na tinatanggap ang templo bilang Kanyang bahay. Pagkatapos ay sinundan si Cristo ng pagdalaw ng tatlo pang anghel na ang bawat isa ay nagbigay ng mga susi ng priesthood kina Joseph at Oliver. Ang ikatlo sa mga dumalaw na ito, ang propetang si Elijah sa Lumang Tipan, ay nagbigay ng susi na kalaunan ay itinuro ni Joseph Smith na may kapangyarihang ilagay “ang mga pagbubuklod ng Melchizedek priesthood sa sambahayan ni Israel.”6
Simula noong 1843, itinuro ni Joseph Smith na, gamit ang susi na ito, ang ugnayan ng mag-asawa ay maaaring maging walang hanggan. Kapag “nabuklod,” ang mga pamilya ng kalalakihan at kababaihang ikinasal sa ganitong paraan ay makakamit ang pangako na magkakasama sila magpakailanman. Ang pinakaunang seremonya ng pagbubuklod, tulad ng endowment, ay isinagawa sa itaas na palapag ng tindahan ni Joseph Smith. Gayunman, ngayon, ang mga kasal na ito ay isinasagawa lamang sa mga templo para sa mga buhay at patay.
Simula noong 1843, itinuro ni Joseph Smith na, gamit ang susi na ito, ang ugnayan ng mag-asawa ay maaaring maging walang hanggan. Kapag “nabuklod,” ang mga pamilya ng kalalakihan at kababaihang ikinasal sa ganitong paraan ay makakamit ang pangako na magkakasama sila magpakailanman. Ang pinakaunang seremonya ng pagbubuklod, tulad ng endowment, ay isinagawa sa itaas na palapag ng tindahan ni Joseph Smith. Gayunman, ngayon, ang mga kasal na ito ay isinasagawa lamang sa mga templo para sa mga buhay at patay.
Mga Tala
Mga Tala
- “Celebration of the Aniversary of the Church,” Times and Seasons 2, blg. 12 (April 15, 1841): 375–76.
- “Celebration of the Aniversary of the Church—Military Parade—Prest. Rigdon’s Address—Laying the Corner Stones of the Temple,” Times and Seasons 2, blg. 12 (Abril 14, 1841), 377.
- Tingnan sa Mga Banal 1:421–422, 426–427; Matthew McBride, “Letters on Baptism for the Dead,” Revelations in Context.
- Tingnan sa Mga Banal 1:442–445.
- Tingnan sa Mga Banal 1:453–455.
- Joseph Smith, “History, 1838–1856, volume E-1 [1 July 1843–30 April 1844],” 1922, josephsmithpapers.org; iniayon sa pamantayan ang pagbabaybay; Joseph Smith journal, Sept. 1, 1842, sa Journal, December 1841–December 1842, 189, josephsmithpapers.org; Joseph Smith, “Letter to ‘The Church of Jesus Christ of Latter Day Saints,’ 6 Setyembre 1842 [D&C 128],” josephsmithpapers.org.