Wilford and Phebe Woodruff Home

Bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol, si Wilford Woodruff ay madalas na atasang umalis sa Nauvoo para ipalaganap ang ebanghelyo bilang missionary. Ang kanyang asawang si Phebe ang nag-alaga sa pamilya na may suporta mula sa komunidad ng Nauvoo.
Wilford at Phebe Woodruff
A two-and-a-half-story brick home with a white picket fence.

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–4:00 PM
Tuesday
10:00 AM–4:00 PM
Wednesday
10:00 AM–4:00 PM
Thursday
10:00 AM–4:00 PM
Friday
10:00 AM–4:00 PM
Saturday
10:00 AM–4:00 PM
Sunday
12:00 PM–4:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–4:00 PM
Tuesday
10:00 AM–4:00 PM
Wednesday
10:00 AM–4:00 PM
Thursday
10:00 AM–4:00 PM
Friday
10:00 AM–4:00 PM
Saturday
10:00 AM–4:00 PM
Sunday
12:00 PM–4:00 PM

Physical Address
2983 N Durphy St
Nauvoo, Illinois 62354
USA

Physical Address

2983 N Durphy St
Nauvoo, Illinois 62354
USA

Contact

Contact


Services
Parking
Guided Tours
Cell Service

Services

Parking
Guided Tours
Cell Service

Bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol, si Wilford Woodruff ay madalas na atasang umalis sa Nauvoo para ipalaganap ang ebanghelyo bilang missionary. Ang kanyang asawang si Phebe ang nag-alaga sa pamilya na may suporta mula sa komunidad ng Nauvoo.

A well-furnished double parlor interior with a portrait painting of a man above a fireplace and bright curtained windows to the right.
A kitchen interior with wood floor and many cooking utensils and implements hanging on walls, shelves, and tables. 
A dining room interior with wood floor and chairs surrounding a table with a corner China cabinet and a red door behind. 
The main bedroom in the Woodruff Home. The tulip-patterned quilt on the bed belonged to Phebe.   -
Wiford
Woodruff Home:
Ang muling itinayo na Woodruff Home ay kumakatawan sa buhay ng pamilya sa Nauvoo, isang panahong halos hindi na magkasama si Wilford at ang kanyang asawang si Phebe dahil sa kanyang paglilingkod bilang missionary. Ang pamilya Woodruff, tulad ng maraming iba pang pamilya ng mga unang missionary, ay lubos na umasa sa Panginoon upang mapalakas ang kanilang pananampalataya sa mga panahong sila ay magkahiwalay.

Si Wilford Woodruff ay lumipat sa tahanang ito na yari sa ladrilyo kasama ang kanyang pamilya noong Mayo 4, 1844. Pagkaraan ng limang araw, umalis siya sa layuning ikampanya si Joseph Smith, na nagdeklara ng kanyang kandidatura bilang Pangulo ng Estados Unidos. Hindi pa tapos ang bahay—walang mga silid na natapos kundi maliit na bahagi lang ng sahig—ngunit sapat na ito para matirhan ni Phebe at ng kanilang mga anak. Ipinagpatuloy ni Wilford ang paggawa sa bahay nang nakabalik na siya, ngunit muling inatasang umalis ilang buwan kalaunan para maglingkod bilang Pangulo ng British Mission. Hindi pa rin natapos ang bahay noong 1846 nang lisanin ng pamilya ang Nauvoo para maglakbay pakanluran kasama ang mga Banal.

Sina Wilford at Phebe Woodruff ay kapwa matapat na miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Si Wilford, na kalaunan ay naging ikaapat na Pangulo ng Simbahan, ay inorden bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol sa Kirtland, Ohio, noong Abril 1839 ni Brigham Young. Naglingkod sa maraming misyon si Wilford, kapwa sa Estados Unidos at sa England. Ang mga misyon na ito ay malaking sakripisyo para kay Phebe at para kay Wilford. Sa dalawang taong misyon ni Wilford sa England bago sila lumipat sa tahanang ito, hindi lamang isinilang ni Phebe ang kanilang anak na si Wilford Jr., kundi naranasan din niya ang mamatayan ng dalawang-taong-gulang na anak na si Sarah Emma, makalipas ang apat na buwan. Kahit pinangangalagaan ng mga kapitbahay ang pamilya Woodruff sa panahon na wala si Wilford, nangungulila pa rin si Phebe sa kanyang asawa sa mga panahong ito ng pagsubok. Gayunpaman, may mga misyon na magkasama silang mag-asawa. Si Phebe ay naglingkod bilang missionary kasama ang kanyang asawa nang mamuno ito sa mga Banal sa mga Huling Araw sa Europa.

Basahin ang tungkol sa misyon nina Wilford at Phebe Woodruff sa England sa Mga Banal, Tomo 1, Kabanata 45.

Ano ang Aasahan


Ang Wilford and Phebe Woodruff Home ang huling hihintuan ng paglilibot ng Homes of the Apostles na nagsisimula sa Orson and Marinda Hyde Home. Ang Wilford and Phebe Woodruff Home ay anim na kuwartong malilibot nang may gabay at sakop nito ang sala, kusina, silid-kainan, work room, master bedroom, at silid ng mga bata. Pagkatapos ng paglilibot sa Woodruff Home, maaari mo nang libutin ang iba pang bahagi ng Nauvoo.

Sa tag-init, maaari kang makakita ng isang missionary na nagbabahagi pa ng tungkol sa pamilya Woodruff sa pananaw ni Phebe o ng kapatid ni Wilford, si Eunice, na nanirahan sa tahanan noong 1845.

360° Walkthrough 

Paradahan

  • May paradahan sa harap ng Woodruff Home sa kahabaan ng State Highway 96.
    • Walang itinalagang paradahan. Gayunpaman, ang sukat ng paradahan ay mapagkakasya ang mga sasakyan ng mga bisita na may mga pangangailangan sa accessibility kung hindi pa puno ang paradahan.

Mobility Accessibility

Labas

  • Isang baitang mula sa bangketa papunta sa tarangkahan
    • Walang mga handrail
  • Tatlong baitang papasok sa gusali
    • Mga handrail sa magkabilang panig

Loob

  • Kasama sa paglilibot ang ikalawang palapag ng bahay na mapupuntahan lamang gamit ang hagdan. Walang mga elevator na magagamit.

Terrain at Flooring

Labas

  • Kalsada: Aspalto (maayos ang kundisyon); patag
  • Bangketa: Semento at ladrilyo (maayos ang kundisyon); patag

Loob

  • Flooring: Kahoy

Bilang ng mga upuan

  • Mga bangko sa silid-kainan
  • Mga bangko sa sala
Wilford at Phebe Woodruff
A two-and-a-half-story brick home with a white picket fence.

Schedule
Weekly Hours
Monday
10:00 AM–4:00 PM
Tuesday
10:00 AM–4:00 PM
Wednesday
10:00 AM–4:00 PM
Thursday
10:00 AM–4:00 PM
Friday
10:00 AM–4:00 PM
Saturday
10:00 AM–4:00 PM
Sunday
12:00 PM–4:00 PM

Schedule

Weekly Hours
Monday
10:00 AM–4:00 PM
Tuesday
10:00 AM–4:00 PM
Wednesday
10:00 AM–4:00 PM
Thursday
10:00 AM–4:00 PM
Friday
10:00 AM–4:00 PM
Saturday
10:00 AM–4:00 PM
Sunday
12:00 PM–4:00 PM

Physical Address
2983 N Durphy St
Nauvoo, Illinois 62354
USA

Physical Address

2983 N Durphy St
Nauvoo, Illinois 62354
USA

Contact

Contact


Services
Parking
Guided Tours
Cell Service

Services

Parking
Guided Tours
Cell Service

Last Updated On Nov 19, 2024