Tulad ng iba pang malalaking pampublikong gusali sa Nauvoo, ang Seventies Hall ay naglaan ng lugar kung saan nagtitipon ang mga tao para sa pagsamba, pagtuturo, pagpapayo, at mga social event. Sa ilan sa mga pinakamahalagang pulong na ginanap sa gusaling ito, binigyang-inspirasyon ng Panginoon ang Kanyang mga apostol nang iorganisa nila ang mga tao para lisanin ang Nauvoo at maglakbay pakanluran noong taglamig ng 1846.
Ang orihinal na Seventies Hall ay itinayo noong 1844 sa lupang donasyon nina
Edward at Ann Hunter. Bawat miyembro ng maraming korum ng Pitumpu ay inanyayahang mag-ambag ng mga pera at paggawa sa pagtatayo nito. Ang bulwagan ay inilaan sa pitong sesyon sa pagitan ng Araw ng Pasko noong 1844 at Araw ng Bagong Taon noong 1845. Ibinenta ang bulwagan noong Hunyo 1846 at ginamit bilang simbahan at paaralan bago giniba noong 1869. Ito ay muling itinayo sa orihinal na pundasyon nito noong 1972.
Ang bulwagan ay ginamit ng mga miyembro ng mga korum ng Pitumpu para sa pangangasiwa ng gawain ng korum, pagtanggap ng tagubilin, at pagtitipon. Sa unang taon ng paggamit nito, ang bulwagan ay mayroon ding library, paaralan, opisina ng doktor, at studio ng pintor. Sa isang di-malilimutang pangyayari noong Enero 1845, tumayo si Brigham Young sa pulpito at tinawag ang mga miyembro ng Pitumpu na magmisyon sa kalapit na mga bayan. Kalaunan noong Tagsibol na iyon, ang Konseho ng Limampu [Council of Fifty] ay nagpulong dito para talakayin ang mga plano sa pag-alis sa Nauvoo. Kaya, ang bulwagan ay naging isang lugar ng paghahayag habang ang mga apostol ay nagsasanggunian at humihingi ng banal na patnubay.
Ano ang Aasahan
Ang Seventies Hall ay isang silid na may guided tour. May opsiyonal na exhibit at library sa itaas sa ikalawang palapag. Pagkatapos ng Seventies Hall, pupunta ka sa
Webb Blacksmith Shop para ipagpatuloy ang
Pioneer Trail tour.
360° Walkthrough