Brigham and Mary Ann Young Home

Alamin pa ang tungkol sa buhay ng pamilya Young sa Nauvoo at ang pamumuno ni Brigham habang naghahanda ang mga Banal na lumisan patungong kanluran.
Brigham and Mary Ann Young Home
A two-story red brick home with single-story additions on either side.

Schedule
Weekly Hours
Monday
Closed
Tuesday
Closed
Wednesday
Closed
Thursday
Closed
Friday
Closed
Saturday
Closed
Sunday
Closed

Schedule

Weekly Hours
Monday
Closed
Tuesday
Closed
Wednesday
Closed
Thursday
Closed
Friday
Closed
Saturday
Closed
Sunday
Closed

Physical Address
610 Kimball St
Nauvoo, Illinois 62354
USA

Physical Address

610 Kimball St
Nauvoo, Illinois 62354
USA

Contact

Contact


Services
Parking
Guided Tours
Cell Service

Services

Parking
Guided Tours
Cell Service

A large one and a half story red brick house. A white fence surrounds it, and large green trees stand behind it. 
A dining room interior with wood floor and chairs surrounding a table and a large fireplace. 
A bedroom interior with wood floor, two windows with red floral curtains, an iron stove, a bed, and other furnishings. 
Sa Brigham and Mary Ann Young Home, maririnig ng mga bisita ang mga kuwento tungkol sa pamumuno ni Brigham Young sa Nauvoo bilang pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol. Malalaman din nila ang mga detalye tungkol sa buhay ng pamilya sa Nauvoo, ang kanilang desisyon na lisanin ang kanilang tahanan at lungsod, at ang kanilang mga pagsisikap na maghanda para sa isang bagong buhay sa Kanluran.

Ang tahanang ito na yari sa ladrilyo ang pangalawang tahanan ng pamilya Young sa Nauvoo. Ang unang tahanan sa Nauvoo, na nilipatan ni Mary Ann at ng kanilang mga anak noong Setyembre 1840 sa panahong nasa ibang bansa si Brigham at nagmisyon sa England, ay isang hindi natapos na bahay na gawa sa troso. Nang si Brigham ay umuwi noong 1841, sinikap niyang tapusin ang bahay. Samantala, patuloy naman ang pagtatayo sa bahay na yari sa ladrilyo ng pamilya. Lumipat ang mga Young sa bagong tahanang ito noong Mayo 31, 1843, at nanirahan doon hanggang sa lisanin nila ang Nauvoo noong Pebrero 1846.

Lumawak ang pamumuno ni Brigham Young sa Simbahan habang ang mga Banal ay naninirahan sa Nauvoo. Noong Abril 14, 1840, habang naglilingkod sa England, siya ay sinang-ayunan bilang pangulo ng Korum ng Labindalawa. Habang nakatira sa tahanang ito, nakipagkita si Brigham sa iba pang mga miyembro ng Korum ng Labindalawa, gayundin sa mga lider ng pamahalaan, mga bagong binyag, at mga returned missionary. Kasunod ng pagpaslang kay Joseph Smith noong Hunyo 27, 1844, si Brigham Young ang naging senior leader ng Simbahan. Nang tumindi ang tensiyon sa Nauvoo kasunod ng pagpaslang, lalong nadagdagan ang mga responsibilidad ni Brigham. Siya at ang iba pang mga lider ng Simbahan ay naghanda na ilipat ang mga Banal sa tinatawag ngayong Utah. Kabilang sa mga paghahandang ito ang pagbibigay ng mga temporal na pangangailangang gaya ng mga bagon at mga suplay. Higit sa lahat, mabilis na nagtrabaho ang komunidad para tapusin ang Nauvoo Temple upang matanggap ng mga miyembro ang kanilang mga ordenansa sa templo. Bago lumisan ang mga Banal sa Nauvoo, si Brigham at ang iba pang mga apostol ay nagsagawa ng mga endowment at mga pagbubuklod para sa libu-libong tao sa Bahay ng Panginoon.

Basahin ang ginampanan ni Brigham Young sa paghahanda sa mga Banal na lumipat sa Salt Lake Valley sa Mga Banal, Tomo 2, Kabanata 1.


Ano ang Aasahan


Ang tour sa Pioneer Trail ay nagsisimula sa Seventies Hall at nagtatapos sa Brigham and Mary Ann Young Home. Ang Brigham and Mary Ann Young Home ay isang multi-room guided tour na kinabibilangan ng kusina at silid-tulugan. Pagkatapos ng tour sa Tahanan ng mga Young, maaari mo nang libutin ang iba pang bahagi ng Nauvoo. Maaaring maging interesado ka sa iba pang mga karanasan sa Pioneer Trail tulad ng Trail of Hope o ang Pioneer Memorial and Exodus to Greatness.

Paradahan

  • May paradahan sa hilagang-silangan ng Brigham and Mary Ann Young Home sa Kimball Street.
    • Walang itinalagang paradahan. Gayunpaman, ang sukat ng paradahan na ito ay mapagkakasya ang mga sasakyan ng mga bisita na may mga pangangailangan sa accessibility kung hindi pa puno ang paradahan.

Mobility Accessibility


Labas

  • Apat na baitang papasok sa tahanan
    • Mga handrail sa magkabilang panig

Loob

  • Ang tour ay sa unang palapag lamang

Terrain at Flooring


Labas
  • Kalsada: Aspalto (hindi maayos ang kundisyon); patag
  • Bangketa: Ladrilyo (maayos ang kundisyon); patag

Loob

  • Flooring: Kahoy

Bilang ng mga upuan

  • Isang bangko at tatlong upuan sa council room
Brigham and Mary Ann Young Home
A two-story red brick home with single-story additions on either side.

Schedule
Weekly Hours
Monday
Closed
Tuesday
Closed
Wednesday
Closed
Thursday
Closed
Friday
Closed
Saturday
Closed
Sunday
Closed

Schedule

Weekly Hours
Monday
Closed
Tuesday
Closed
Wednesday
Closed
Thursday
Closed
Friday
Closed
Saturday
Closed
Sunday
Closed

Physical Address
610 Kimball St
Nauvoo, Illinois 62354
USA

Physical Address

610 Kimball St
Nauvoo, Illinois 62354
USA

Contact

Contact


Services
Parking
Guided Tours
Cell Service

Services

Parking
Guided Tours
Cell Service

Last Updated On Sep 19, 2024