Habang nakatira sa tahanang ito, ang mga Hunter ay naglingkod sa nakipagtipang komunidad ng Nauvoo at pinagpalang makitang umunlad ang lungsod na may templo at ang kanilang pamilya. Sumali si Ann sa
Female Relief Society of Nauvoo noong Agosto 1843. Noong Nobyembre 1844, tinawag si Edward na maglingkod bilang Bishop ng Nauvoo 5th Ward; kabilang sa kanyang mga tungkulin ang pagtulong sa pag-oorganisa ng labor tithing upang maitayo ang templo at pagkolekta ng mga handog-ayuno na muling ipapamahagi sa mga bagong dating na imigrante at iba pang nangangailangan. Noong taon ding iyon, isinilang ni Ann ang nag-iisang anak ng mag-asawa na si Ann.
Ang pamilya Hunter ay nanirahan sa tahanang ito mula 1842 hanggang 1846. Sumapi sina Edward at Ann Hunter sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1840. Pagkatapos ay ibinenta nila ang kanilang maunlad na sakahan sa Chester County, Pennsylvania, nakipagkontrata para maitayo ang bahay na ito bago ang kanilang pagdating, at tinulungan ang iba pang mga miyembro ng Simbahan mula sa kanilang lokal na branch, kabilang na ang pamilya Gheen, para sundin ang panawagan ng propeta na magtipon sa Nauvoo.
Noong tag-init ng 1842, nagtago si Joseph Smith sa Hunter Home para iwasan ang mga marshal na pumasok sa Nauvoo na may layuning dakpin siya at ibalik sa Missouri. Habang nagtatago, nagpatuloy si Joseph sa kanyang mga tungkulin bilang propeta at lider, ipinararating ang banal na paghahayag sa mga miyembro ng Simbahan sa pamamagitan ng mga liham. Sa tahanang ito, idinikta niya ang dalawang liham na may kaugnayan sa ordenansa sa templo na kilala bilang
binyag para sa mga patay, na makikita na ngayon bilang mga bahagi
127 at
128 sa Doktrina at mga Tipan.
Basahin ang tungkol sa pag-iwas ni Joseph Smith sa mga di-makatarungang legal na aksyon, kabilang na ang kanyang pagtatago sa Edward and Ann Hunter Home kung saan tumanggap siya ng mga paghahayag tungkol sa mga binyag para sa mga patay sa Mga Banal, Tomo 1,
Kabanata 39.
Ano ang Aasahan
Ang Hunter Home ay may tatlong silid na malilibot na sakop ang sala, opisina, at summer kitchen. Pagkatapos ng paglilibot sa tahanan, sasamahan ka ng mga missionary sa paglakad pababa sa Gheen Home bilang katapusan ng paglilibot sa Temple City.
360° Walkthrough