Lingguhang YA
Tema sa Buwang Ito: Pag-asa sa Hinaharap
Abril 2026 Lingguhang YA


Tungkol sa Isyung Ito

Tema sa Buwang Ito: Pag-asa sa Hinaharap

isang composite image

Mga minamahal na mambabasa,

Sobra ako kung mag-isip. Noong bata pa ako, hihiga ako sa kama sa gabi at iisipin ang lawak ng kawalang-hanggan. Tapos iiyak na lang ako sa kuwarto ng mga magulang ko dahil sa sobrang takot ko sa kung ano kaya ang mangyayari sa hinaharap.

Nawala ko na ang ugali na iyan (karamihan), pero kinakabahan pa rin ako kapag iniisip ko ang kinabukasan ko.

Kapag nagsisimula akong mabalisa, ipinapaalala ko sa sarili ko na si Jesucristo—ang pinagmumulan ng lahat ng pag-asa—ay buhay. At dahil Siya ay buhay, maaari tayong umasa sa Kanya na ang lahat, ngayon at sa hinaharap, ay magiging maayos.

Tungkol sa pag-asa kay Cristo, sinabi ni Pangulong M. Russell Ballard (1928–2023) na: “Kailangan ang… pag-asa upang madaig ang hirap, mapagyaman ang espirituwal na katatagan at lakas, at malaman na mahal tayo ng ating Amang Walang Hanggan.”

Narito ang ilan sa mga kuwento ng pag-asa ngayong buwan:

May mga kuwento rin kami na bahagi ng aming patuloy na mga serye:

Sana alam ninyo na kami sa Lingguhang YA ay nagmamahal sa inyo. Ngayong panahon ng Pasko ng Pagkabuhay, umaasa kami na makakahanap kayo ng mga dahilan para magkaroon ng pag-asa kay Cristo.

Dahil Siya ay nagbangon. At ito ay nagbibigay sa akin ng maraming pag-asa para sa hinaharap.

Taglay ang pag-ibig at pag-asa kay Cristo,

Aspen Yip, Lingguhang YA Intern ng Editoryal