2025
Ang Tema sa Buwang Ito: Paghahanap ng Kagalakan sa Mundong Puno ng Paghihirap
Hunyo 2025


Tungkol sa Isyung Ito

Ang Tema sa Buwang Ito: Paghahanap ng Kagalakan sa Mundong Puno ng Paghihirap

composite image

Minamahal na mga kaibigan,

May natutuhan akong kasabihan mula sa mission president ko na pinanghahawakan ko kapag mahirap ang buhay. Sabi niya, “Ang Diyos ay nakatuon sa inyong kagalakan.”

Maaaring nakikita ninyo ang napakaraming digmaan, kalamidad, karahasan, pagtatalo, at karamdaman sa mundo ngayon at iniisip kung paano naging totoo iyon.

Paano?

Si Jesucristo.

“Huwag kayong matakot, sapagkat narito, dala ko sa inyo ang magandang balita ng malaking kagalakan” ang siyang ipinahayag ng anghel sa pagsilang ni Cristo (Lucas 2:10, idinagdag ang diin). Ang layunin ng Diyos sa pagsugo kay Cristo sa mundo ay tiyakin ang inyong buhay na walang hanggan at walang hanggang kagalakan. Sadyang kamangha-mangha, ipinangako Niya sa inyo ang kagalakan sa pamamagitan ni Cristo sa alinmang bahagi ng inyong buhay—sa kaginhawahan at kagipitan, sa maganda at pangit na mga panahon. Iyan ang mensahe na nais naming ibahagi sa inyo sa buwang ito: Si Jesucristo ay kagalakan.

Gayunpaman, alam natin na kung minsan ay mahirap matagpuan ang kagalakan. Kaya’t pinagsama-sama namin ang mga artikulong ito sa buwang ito upang ipakita sa inyo na laging posibleng makamtan ang kagalakan. Ang kagalakan ay bahagi ng inyong banal na katangian bilang anak ng Diyos at ng inyong mana bilang disipulo ni Cristo. Anuman ang mangyari, maaari kayong maging masaya sa mundong ito na puno ng paghihirap.

Narito ang ilan sa mga artikulo mula sa mga young adult sa buwang ito:

Mayroon din kaming mga kuwento na bahagi ng aming patuloy na serye:

Matagal kong pinag-isipan nang mabuti kung ano ang isusulat ko sa inyo sa liham na ito. Isinaalang-alang ko ang maraming mga paraan na maaari akong makaugnay sa inyong buhay, upang maipakita sa inyo na nauunawaan ko kung ano ang mga hamon na kinakaharap ninyo na hindi gaanong masaya.

Pero natanto ko na kahit hindi ako makaunawa nang lubusan, may isang tao na makauunawa. Muli at palagi, si Jesucristo ang sagot.

Masayang pagbabasa,

Tori Stone, intern ng Lingguhang YA