Prison Ministry
Para sa mga Bata: Ano ang Magagawa Ko Kapag Nakulong ang Isang Taong Mahal Ko?


“Para sa mga Bata: Ano ang Magagawa Ko Kapag Nakulong ang Isang Taong Mahal Ko?” Ministeryo sa Bilangguan (2023)

“Para sa mga Bata: Ano ang Magagawa Ko Kapag Nakulong ang Isang Taong Mahal Ko?” Ministeryo sa Bilangguan

Mormon Messages

Para sa mga Bata: Ano ang Magagawa Ko Kapag Nakulong ang Isang Taong Mahal Ko?

Maaaring mahirap kapag nakulong ang taong mahal mo. Maaaring hindi mo maintindihan ang lahat ng dahilan kung bakit nangyari ito, ngunit alam mong gusto mo siyang makita, at maaaring malungkot ka dahil malayo siya. Mahalaga ang nararamdaman mo. Maaari kang makaramdam ng takot, galit, o pagkalito. Kapag sinabi mo sa iba ang nararamdaman mo, makakagaan ito sa pakiramdam mo.

Ang mga tao kung minsan ay gumagawa ng masamang pagpili, ngunit ang mga maling pagpili na iyon ay hindi awtomatikong ginagawa sila na masamang tao. Mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang anak, pati na ang lahat ng nakakulong. Tutulungan Niya sila at ikaw araw-araw. Itinuro ni Jesus, “Lumapit kayo sa akin, … at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan” (Mateo 11:28). Ang ibig sabihin nito ay kapag sinusunod natin ang mga turo ni Jesucristo, tutulungan Niya tayo sa ating mga problema. Manalangin sa Ama sa Langit at humingi ng tulong sa Kanya. Tutulungan ka Niyang madama ang Kanyang pagmamahal at kapayapaan.

Alam mo ba na ang ibang mga bata ay may mahal sa buhay na nakulong din? Narito ang ilan sa mga bagay na naranasan nila:

  • Akala ng isang batang lalaki (edad 14) ay masasamang tao lamang ang nakukulong ngunit nalaman niya na ang mabubuting tao ay maaaring makagawa rin ng maling mga pagpili.

  • Isa pang batang lalaki (edad 12) ang natakot sa maaaring mangyari sa kanyang nakakulong na tatay—hindi sigurado kung magiging OK lang ang kanyang ama o kung makakabisita siya.

  • Isang batang babae (edad 10) ang nangungulila sa nanay niya na nakakulong. Ang pagbisita niya paminsan-minsan sa kanyang nanay ay muling nagpapalungkot sa kanya. Pero alam niyang mahal siya ng kanyang nanay at malapit na silang magkasamang muli.

  • Isa pang batang lalaki (edad 16) ang ipinagdarasal gabi-gabi ang tatay niya na nakakulong. Alam niya na ipinagdarasal din siya ng kanyang ama at tinutulungan ng Ama sa Langit ang kanilang pamilya na manatiling ligtas.

1:15

Mga Serbisyo sa Pagwawasto | Mensahe sa mga Bata

Mga Sanggunian ng Simbahan at ng Komunidad

  • Coping with Incarceration,” Sesame Street in Communities, sesamestreetincommunities.org

  • Tulong para sa Dating Nakulong na mga Indibiduwal

  • Guided Study for Adults in Custody [Ginabayang Pag-aaral para sa mga Adult na Nasa Kustodiya]