“Paano Ko Masusuportahan ang mga Anak ng Nakakulong na Magulang?,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)
“Paano Ko Masusuportahan ang mga Anak ng Nakakulong na Magulang?,” Ministeryo sa Bilangguan
Paano Ko Masusuportahan ang mga Anak ng Nakakulong na Magulang?
Ang pagkakakulong ng isang indibiduwal ay nakakaapekto sa buhay ng lahat ng tao sa pamilya. Natural lang sa mga miyembro ng pamilya na makadama ng matinding galit, kawalan, kahihiyan, takot, o kalungkutan. Maaaring magulumihanan ang mga anak sa nangyari at mag-alala tungkol sa hinaharap. Isipin ang sumusunod na mga ideya para matulungan ang mga anak na makayanan ang pagkakakulong ng magulang:
-
Maging tapat. Ipaunawa sa mga anak na hindi nila kasalanan ang pagkakakulong ng kanilang magulang. Mahalaga ito lalo na kung ang krimen ay ginawa laban sa anak. Sagutin ang kanilang mga tanong nang tapat habang nagbabahagi ng impormasyon na angkop sa edad.
-
Magpadama ng seguridad. Ang karaniwang ginagawa araw-araw ay napakaepektibong pagkuhanan ng lakas. Ikuwento sa iyong mga anak ang mga detalye ng nangyari sa iyo sa maghapon, itanong kung ano ang nadarama nila, at ipaalala sa kanila kung gaano mo sila kamahal. Pahalagahan ang kanilang damdamin, at tulungan silang malaman kung sino ang maaari nilang pagkatiwalaan.
-
Maghanap pa ng karagdagang tulong. Hindi mo kailangang gawin ang lahat nang mag-isa. Makipag-ugnayan sa inyong mga lokal na lider ng Simbahan (tulad ng bishop o branch president), mga kaibigan sa Simbahan, at mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ng isipan. Maaari ka ring makahanap ng support group sa komunidad.
-
Ipagpatuloy ang komunikasyon o pakikipag-ugnayan (kapag naaangkop). Hikayatin ang mga anak na sumulat ng mga liham, magpadala ng mga larawan, o magmungkahi ng mga aklat na babasahin sa nakakulong na magulang. Anyayahan silang makipag-usap sa telepono hangga’t maaari. Hikayatin silang pumunta sa paaralan at iba pang mga aktibidad.