“Pagprotekta sa mga Inosente,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)
“Pagprotekta sa mga Inosente,” Ministeryo sa Bilangguan
Pagprotekta sa mga Inosente
Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay nakatuon sa pagprotekta sa mga inosente mula sa anumang sitwasyon na maaaring humantong sa pinsala o pang-aabuso (tingnan sa Pang-aabuso, Tulong sa Buhay, Gospel Library). Kung ikaw ay inabuso o sa tingin mo ay nasa panganib na masaktan ka, kailangan mong makipag-ugnayan kaagad sa lokal na pulisya. Dapat ka ring makipag-ugnayan sa isang pinagkakatiwalaang tao upang makatulong na matiyak ang iyong kaligtasan.
Habang isinusulong ng Simbahan ang pangangalaga sa mga nakakulong, hindi ito nakakabawas sa pangangailangang protektahan ang mga inosente at magbigay ng suporta sa mga biktima ng krimen. Maaaring mahirap para sa mga lider at miyembro na malagay sa sitwasyon kung saan kilala nila ang parehong salarin at biktima ng isang krimen. Sa pamamagitan ng pagdarasal at pakikinig sa Espiritu, magagabayan sila ng Diyos sa kanilang pakikipag-ugnayan sa lahat ng kasangkot.
Sa mga sitwasyon ng pamilya na nawala ang tiwala, maaaring makipagtulungan ang mga miyembro ng pamilya sa mga treatment provider, mga lider ng Simbahan, at iba pang mga propesyonal. Maaari silang magtulungan upang magtakda ng mga tuntunin para sa pag-iwas sa mga problema at para sa ligtas na pakikipag-ugnayan sa mga nakakulong o dating nakulong na mga miyembro ng pamilya. Ang mga bata, mahihinang indibiduwal, at inosenteng biktima ay maaaring maprotektahan sa pamamagitan ng tamang pagpaplano at sa pagpapatupad ng mga patakaran. Kung ang pakikipag-ugnayan ng ilang mga miyembro ng pamilya ay hindi kasalukuyang ligtas, maaaring gumawa ng mga plano upang maiwasan ang pakikipag-ugnayan hanggang sa magkaroon ng sapat na pagpapagaling at pag-unlad.