“Nakakulong ang Asawa Ko. Ano ang Gagawin Ko Ngayon?,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)
“Nakakulong ang Asawa Ko. Ano ang Gagawin Ko Ngayon?,” Ministeryo sa Bilangguan
Nakakulong ang Asawa Ko. Ano ang Gagawin Ko Ngayon?
Bawat sitwasyon ay kakaiba, at walang madaling sagot sa tanong na ito. Ang mga desisyon tungkol sa iyong hinaharap ay mga desisyong tutulungan ka ng Diyos na gawin. Maging mapanalangin, at makipag-usap sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan at tagapayo sa paggawa mo ng desisyon. Maaaring makatulong ang sumusunod na mga ideya.
Kapag magkahiwalay ang mag-asawa, kailangan nilang makaisip ng mga bagong paraan upang makaugnayan at masuportahan ang isa’t isa. Ang pangangalaga ng mga pangangailangan ng bawat isa ay maiiba at maaaring mangailangan ng mas maraming pagsisikap. Maaaring subukan ng mga mag-asawa ang mga sumusunod upang mapanatiling matatag ang kanilang relasyon:
-
Maghanap ng mga paraan upang personal na umunlad. Gamitin ang panahong ito na magkahiwalay kayo ng iyong asawa sa pag-aalaga sa iyong sarili sa pisikal, emosyonal, at espirituwal. Pag-aralan ang mga banal na kasulatan at alamin pa ang tungkol sa layunin ng Panginoon para sa iyong buhay (tingnan sa Filipos 4:13). Dumalo sa mga miting ng simbahan at maging malapit sa pinagkakatiwalaang pamilya, kaibigan, at lider para humingi ng tulong.
-
Mahalin ang iyong asawa. Ipaalam sa iyong asawa na nagmamalasakit ka at hinahanap-hanap mo siya. Ipanalangin siya araw-araw. Sumulat ng mga liham, tumawag sa telepono, at bisitahin ang iyong asawa kung kaya mo. Ang pagsulat ng mga liham ay makatutulong sa inyo na makapag-ugnayan na mas nagpapalapit sa inyo at nagpapahilom sa pasakit na nadarama. Ipaalam sa inyong mga anak ang mga pagbabago o pagpapabuti sa inyong ugnayan.
-
Palakasin ang kanyang loob. Maaaring panghinaan ng loob ang iyong asawa habang nakakulong. Magpakita ng habag at ipaalala sa kanya ang iyong pagmamahal. Hikayatin ang iyong asawa na samantalahin ang anumang mapag-aaralan at mag-ukol ng oras na mapagbuti ang kanyang buhay.
-
Magbigay ng espirituwal na suporta. Ang mga pamilya ay maaaring umunlad sa espirituwal kahit na sila ay magkahiwalay. Ibahagi ang iyong nadarama at patotoo tungkol sa ebanghelyo. Pag-aralan ang mga banal na kasulatan, mga mensahe mula sa mga lider, mga lesson sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin at mga artikulo sa magasin ng Simbahan. Tulungan ang iyong asawa na makipag-ugnayan sa mga lokal na lider at umunlad sa proseso ng pagsisisi (tingnan sa Meetinghouse Locator). Kung posible ang mga tawag sa telepono, isama ang panalangin o panalangin ng pamilya bilang bahagi ng mga tawag sa telepono.
-
Maghanda para sa hinaharap. Tulungan ang iyong asawa na maghanda para sa buhay pagkatapos ng pagkakakulong. Mag-usap at magtakda ng makabuluhang mga mithiin. Bumuo ng plano na kinapapalooban ng patuloy na espirituwal na paglago, pagbabalik sa Simbahan, trabaho, at patuloy na pagbangon at pagbabago.
Mga Serbisyo sa Pagwawasto | Mensahe sa mga Pamilya
Mga Sanggunian ng Simbahan at ng Komunidad
-
“With Love—from the Prodigal’s Sister,” Ensign, Hunyo 1991
-
“Guide for Incarcerated Parents Who Have Children in the Child Welfare System,” youth.gov
-
John K. Carmack, “When Our Children Go Astray,” Liahona, Marso 1999
-
Marvin J. Ashton, “You Can Get There from Here,” general conference, Oct. 1971
-
“Tip Sheet for Incarcerated Parents: Planning for a Visit from Your Child/Children,” youth.gov
-
Steve F. Gilliland, “Me and You—Finding Balance in Marriage,” Liahona, Peb. 1988