Prison Ministry
Paano Ko Matutulungan ang Ibang Tao na Maunawaan ang Aking mga Pagsubok at Hamon?


“Paano Ko Matutulungan ang Ibang Tao na Maunawaan ang Aking mga Pagsubok at Hamon?,” Ministeryo sa Bilangguan (2023)

“Paano Ko Matutulungan ang Ibang Tao na Maunawaan ang Aking mga Pagsubok at Hamon?,” Ministeryo sa Bilangguan

A group of diverse middle-aged adults gather together and greet one another. They appear to be a support group helping with addiction.

Paano Ko Matutulungan ang Ibang Tao na Maunawaan ang Aking mga Pagsubok at Hamon?

Mahirap man ito, makatutulong na tanggapin ang katotohanang naranasan mo ang mga pagbabagong may pangmatagalang epekto. Kapag tinanggap mo ang katotohanang ito, magiging mas madali ang pakikipag-usap sa iba. Magsimula sa pagpapasiya kung ano ang sasabihin mo sa mga tao. Maaaring hindi angkop na ibahagi ang bawat detalye. Gayunman, ang pagiging tapat tungkol sa iyong nadarama at mga pangangailangan ay makatutulong sa iba. Kausapin ang mga pinagkakatiwalaan mo at ang mga taong kailangang malaman ang nangyari. Kung may mga anak ka, tulungan silang makahanap ng paraan para makipag-usap sa iba.

Itinuro ni Russell M. Nelson, Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw: “May karapatan kayong magamit tuwina ang kapangyarihan ng Tagapagligtas upang tulungan ang inyong pamilya at iba pang mga mahal ninyo sa buhay. … Wala kayong makikitang detalyadong paliwanag ng prosesong ito sa anumang manwal. Ang Espiritu Santo ang inyong magiging personal na tagapagturo habang sinisikap ninyong maunawaan ang nais ng Panginoon na malaman at gawin ninyo” (“Mga Espirituwal na Kayamanan,” pangkalahatang kumperensya, Okt. 2019). Tutulungan ka ng Panginoon na malaman kung ano ang sasabihin sa iba at kung paano sila kakausapin.