Pag-aaral ng Ingles
Apendise A: Legal na Impormasyon


“Apendise A: Legal na Impormasyon,” EnglishConnect para sa mga Guro (2023)

“Apendise A,” EnglishConnect para sa mga Guro

Apendise A

Legal na Impormasyon

Pangkalahatang Legal na mga Kinakailangan para sa mga Aprubadong Lokasyon

Inaprubahan na ng Office of General Counsel (OGC) ang mga sumusunod na tuntunin sa pagpapatakbo ng programang EnglishConnect. Ang mga tuntuning ito ay gagamitin sa buong mundo sa EnglishConnect 1 at 2, at sasailalim sa anumang mga legal na kinakailangan na partikular sa bansa ayon sa nakabalangkas sa legal na buod ng EnglishConnect para sa bawat bansa (tingnan sa mga kinakailangan na partikular sa bansa sa englishconnect.org/leader/approved-locations).

  • Kunin ang pahintulot ng magulang para sa bawat kalahok na 18 taong gulang pababa gamit ang form ng pahintulot ng magulang. Makukuha ang mga form sa iba’t ibang wika online sa englishconnect.org/resources/leader.

    • Kunin ang lagda ng parehong mga magulang kung maaari. Kung mayroong 18 taong gulang pababa na namumuhay nang mag-isa, hindi na kailangan ang pahintulot ng magulang.

    • Ang mga nakumpletong form ay dapat itago ng mga lokal na leader at maging available para sa audit.

  • Ipakumpleto sa mga instructor ang training ng Simbahan na “Pagprotekta sa mga Bata at Kabataan.” Sundin ang lahat ng pamantayan ng bansa sa pagsusuri at pagtawag sa mga guro ng mga kabataan para sa sinumang guro sa EnglishConnect na magtuturo sa sinuman na wala pang 21 anyos.

  • Huwag maningil ng anumang mga fee o halaga sa mga kalahok para makasali sa programa.

    • Maaaring i-download nang libre ng mga kalahok sa EnglishConnect ang mga materyal sa programa online, o maaaring bumili ang mga lokal na unit ng mga materyal para sa grupo sa pamamagitan ng regular na mga distribution channel sa store.churchofjesuschrist.org. Maaari ding bumili ng mga materyal ang mga kalahok sa pamamagitan ng channel na ito kung gusto nila.

    • Hindi dapat magbigay o tumanggap ng pera o mga regalo ang mga guro sa EnglishConnect bilang bahagi ng anumang pagtuturo sa mga kalahok sa EnglishConnect.

  • Magsama ng malaking content na pangrelhiyon sa kahit sangkatlo lang ng buong pagtuturo. (Dapat ilaan para sa content na pangrehiliyon ang 20 minuto ng bawat oras ng pagtuturo o 30 minuto ng bawat 90 minuto ng pagtuturo.) Paalala: Kung ibinibigay ang mga lesson ayon sa disenyo nito at laging isinasama ng guro ang aktibidad na “Talakayin ang Alituntunin ng Pagkatuto” sa conversation group, matutugunan ang pangangailangang ito.

  • Sundin ang lahat ng tuntunin ng programa na nasa Gabay sa Pagpapatupad ng EnglishConnect at sa manwal ng guro, pati na ang paggamit ng online registration system na QuickReg (quickreg.englishconnect.org) para matiyak ang data privacy.

  • Para hindi mamiligro ang visa ng mga missionary o ang legal na katayuan ng Simbahan sa isang bansa, anumang mission na hindi gumamit kailanman ng Ingles sa pagtuturo bilang isang pamamaraan sa pagkontak ay kailangang kumuha ng partikular na pahintulot ng OGC bago gamitin ang mga materyal sa EnglishConnect.

Ang EnglishConnect 3 ay pinatatakbo at ipinatutupad ng BYU–Pathway Worldwide. Dahil dito, pinatatakbo ito sa ilalim ng legal na mga kundisyon na kapareho ng sa BYU–Pathway.

Pag-aanunsyo o Advertising

Sa mga bansa kung saan pinahintulutan na ang pag-aanunsyo ng EnglishConnect 1 at 2, maaaring itaguyod ng lokal na mga stake, ward, at mission ang mga grupo ng EnglishConnect 1 at 2 sa mas malawak na komunidad alinsunod sa anumang mga tuntunin sa pag-aanunsyo na partikular sa bansa (tingnan sa mga kinakailangan na partikular sa bansa sa englishconnect.org/leader/approved-locations). Dapat ay kasama sa mga anunsyo ang lahat ng sumusunod:

  1. Litaw na pagkakalagay ng pangalan ng Simbahan.

  2. Isang pahayag na libre ang EnglishConnect 1 at 2.

  3. Isang pahayag na walang anumang opisyal na pagkilala o akreditasyon ang EnglishConnect 1 at 2.

Karapatang-Sipi at Paglilisensya

Ang EnglishConnect ay isang programang ibinibigay ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Lahat ng karapatan sa mga materyal ng EnglishConnect ay pag-aari o lisensyado ng Intellectual Reserve, Inc. para gamitin ng mga unit ng Simbahan tulad ng mga stake, district, at mission. Anumang iba pang paggamit ng mga materyal ng EnglishConnect ay nangangailangan ng paunang nakasulat na pahintulot. Para humingi ng pahintulot na gamitin ang mga materyal ng EnglishConnect, kumpletuhin lamang ang isang request form sa Permissions.ChurchofJesusChrist.org.

Mga Menor-de-Edad

Ang mga grupo ng EnglishConnect ay kailangang sundin palagi ang mga patakaran ng Simbahan sa pagprotekta sa mga kabataan (na kinabibilangan ng mga kalahok na 18 taong gulang at pababa). Kailangan ay may nilagdaang pahintulot ng magulang ang mga menor-de-edad bago dumalo sa isang grupo ng EnglishConnect. Makukuha ang mga form sa iba’t ibang wika online sa englishconnect.org/resources/leader. Ang mga nakumpletong form ay kailangang itago ng mga lokal na leader at maging available para sa audit.

Dahil ang mga mag-aaral sa EnglishConnect ay maaaring kabilangan ng mga menor-de-edad, dapat interbyuhin ng mga leader ng simbahan ang bawat potensyal na instructor at rebyuhin ang kanyang membership record para sa mga anotasyon bago magbigay ng calling. Bukod pa riyan, dapat ay may dalawang responsableng adult man lang doon sa lahat ng oras sa oras ng mga miting ng grupo. Hindi dapat turuan ng mga guro nang sarilinan ang isang kalahok na menor-de-edad. Kailangan mong sundin ang mga patakarang ito kahit virtual ang pagkikita-kita ng grupo.

Mga Menor-de-Edad na Lumalahok sa mga Virtual Conversation Group

Maaari lamang sumali ang mga menor-de-edad sa mga virtual conversation group ng EnglishConnect 1 at 2 kung may pahintulot ng magulang at kapag may dalawang instructor man lang na nagtuturo sa grupo.

Para mabigyan ng prayoridad ang kaligtasan, kailangan na ang setting ng mga online conversation group na may kasaling mga menor-de-edad ay hindi nagpapahintulot ng mga sarilinang pag-uusap online sa pagitan ng mga menor-de-edad at ng mga instructor. Maaari lamang lumahok ang mga menor-de-edad sa mga online conversation group kung may dalawa o mahigit pang instructor sa miting ng grupo.

Bukod pa riyan, hindi dapat mag-text, mag-email, o kumontak ang EnglishConnect instructor sa isang menor-de-edad nang hindi naka-copy ang isa pang tao sa komunikasyon. Para sa mga personal na pagbisita o pagtawag sa telepono, dapat ay naroon ang isa pang adult. Hangga’t maaari, dapat pamahalaan ng isang instructor ang mga pag-uugnayan ng mas maliit na grupo sa online conversation group.

Privacy

Ang EnglishConnect ay isang programang ibinibigay ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Para sa mga detalye kung paano ipinoproseso ang iyong personal data, bisitahin lamang ang ChurchofJesusChrist.org at i-klik ang Privacy Notice sa ibaba ng page.

Kailangang tanggapin ng lahat ng kalahok ang mga tuntunin sa paglahok, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org/legal/englishconnect-terms-of-participation. Maaaring tanggapin ng mga kalahok ang mga tuntunin sa paglahok online kapag inirehistro sila ng isang EnglishConnect facilitator sa QuickReg.

Hindi dapat i-post ng mga guro sa EnglishConnect sa social media ang mga larawan ng mga tinuturuan nila.

Opisyal na Pagkilala o Akreditasyon

Ang EnglishConnect ay walang anumang uri ng opisyal na pagkilala, degree, o credit ng anumang educational o training program o training institution. Ang paglahok ay boluntaryo. Ang mga kalahok ay maaaring umalis sa programa o tumigil sa pagdalo anumang oras.