“Ano ang EnglishConnect?” EnglishConnect para sa mga Guro (2023)
“Ano ang EnglishConnect?” EnglishConnect para sa mga Guro
Ano ang EnglishConnect?
Ang EnglishConnect ay isang programa sa pag-aaral ng Ingles na ibinibigay ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Layunin ng EnglishConnect na tulungan ang mga indibiduwal na magkaroon ng mga kasanayan sa Ingles sa isang kapaligirang may pananampalataya, pakikisama, at paglago.
Maraming antas ang EnglishConnect. Tinutulungan ng EnglishConnect 1 at 2 ang mga mag-aaral na magkaroon ng mga pangunahing kasanayan sa wikang Ingles. Tingnan ang “Pambungad” sa mga manwal ng mag-aaral sa EnglishConnect para sa iba pang mga detalye. Inihahanda ng EnglishConnect 3 ang mga mag-aaral para sa mga akademikong oportunidad—lalo na sa BYU–Pathway Worldwide. Malalaman mo ang iba pa tungkol sa BYU–Pathway Worldwide sa byupathway.org/englishconnect.
Ang EnglishConnect ay nagbibigay ng landas para matulungan ang mga mag-aaral na umunlad habang naghahanda sila para sa trabaho, pag-aaral, at paglilingkod. Alamin ang iba pa sa englishconnect.org.