Pag-aaral ng Ingles
Paano Ako Maghahanda para sa Isang Conversation Group?


“Paano Ako Maghahanda para sa Isang Conversation Group?,” EnglishConnect para sa mga Guro (2023)

“Paano Ako Maghahanda para sa Isang Conversation Group?,” EnglishConnect para sa mga Guro

mga mag-aaral na nakangiti sa kanilang conversation group

Paano Ako Maghahanda para sa Isang Conversation Group?

Ang conversation group ay mahalaga sa karanasan sa EnglishConnect. Sa conversation group, may mga oportunidad ang mga mag-aaral na magpraktis ng mga makabuluhang pag-uusap. Kapag nagkita-kita sila, ang mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng tiwala sa sarili, matuto mula sa Espiritu, at masuportahan ang isa’t isa.

Ang pagsasalita sa Ingles ay tumutulong sa mga mag-aaral na umunlad at isang mahalagang paraan para hangarin ang kaloob na mga wika. Maaari kang mamuno sa isang conversation group gamit ang simpleng Ingles. Kung kailangan, maaaring sumangguni ang mga mag-aaral sa mga pagsasalin sa mga manwal ng mga mag-aaral sa EnglishConnect sa kanilang katutubong wika. Ang pagsasalin ay inilalaan para sa mga layunin, alituntunin ng pag-aaral, bokabularyo, at pagtuturo.

Bago magkita-kita ang iyong conversation group, rebyuhin ang bawat bahagi sa mga manwal ng mag-aaral sa EnglishConnect. Nasa ilalim ang ilang hakbang para tulungan kang maghanda:

  1. Manalangin at humingi ng tulong sa Diyos.

  2. Isipin kung paano ka maghihikayat ng pananampalataya, pakikisama, at paglago sa grupo.

    1. Paano ko maaanyayahan ang Espiritu?

    2. Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na hingin at kilalanin ang tulong ng Panginoon?

    3. Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na mahalin at suportahan ang isa’t isa?

    4. Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na magsalita ng Ingles at magpakahusay?

  3. Pag-aralan ang alituntunin ng pag-aaral.

    1. Paano ko naranasan ang alituntuning ito?

    2. Paano ko matutulungan ang mga mag-aaral na gamitin ang alituntuning ito?

    3. Paano ko magagamit ang alituntunin sa aking pagtuturo?

  4. Rebyuhin ang bokabularyo at mga pattern.

    1. Maaari ko bang gamitin nang may tiwala ang bokabularyo at mga pattern sa isang pag-uusap?

  5. Basahin ang mga aktibidad 1–3.

    1. Paano ko ipamamalas ang bawat aktibidad?

    2. Paano ko ipapares-pares ang mga mag-aaral para sa praktis?

    3. Paano ko masusuportahan ang mga mag-aaral habang nagpapraktis sila?

  6. Rebyuhin ang bahaging “Suriin.”

    1. Paano ko tutulungan ang mga mag-aaral na madamang nagtatagumpay sila?

    2. Paano ko tutulungan ang mga mag-aaral na gamitin ang “Tracker sa Personal na Pag-aaral” sa manwal ng mag-aaral?

  7. Rebyuhin ang bahaging “Kumilos nang May Pananampalataya sa Pagpapraktis ng Ingles Araw-Araw.

    1. Paano ko hihikayatin ang mga mag-aaral na gawin ang bahaging “Personal na Pag-aaral” bago magkita-kita ang grupo at magpraktis ng Ingles araw-araw?

    2. Paano ko hihikayatin ang mga mag-aaral na umasa sa Panginoon?

Rebyuhin ang bahaging “Mga Sanggunian ng Grupo” sa manwal na ito. (Kasama rin ang mga sangguniang ito sa mga manwal ng mag-aaral sa EnglishConnect.) Planuhin kung paano mo gagamitin ang mga sangguniang ito. Kasama sa bahaging “Mga Parirala para sa Conversation Group” ang mga simpleng pariralang makakatulong sa grupo na mag-usap-usap sa Ingles. Kasama sa “Pagdarasal sa Ingles” ang mga simpleng pattern para matulungan ang mag-aaral na manalangin sa Ingles. Maaari mong anyayahan ang mga kalahok na rebyuhin ang bahaging ito para makapaghanda silang magbigay ng pambungad o pangwakas na panalangin.

Ang mga karagdagang sanggunian sa pagtuturo at halimbawa ay matatagpuan sa Gospel Library at sa englishconnect.org/teacher.

Mga Kaibigan sa Ibang Relihiyon

dalawang mag-aaral na nagpapraktis na mag-usap sa Ingles

Ang pagtutuon sa pag-aaral na nakabatay sa pananampalataya ay isa sa mga dahilan kaya kakaiba ang EnglishConnect. Maaari mong isama ang mga tao sa iba’t ibang relihiyon sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na pag-isipan kung paano maaaring umangkop sa kanila ang alituntunin ng pag-aaral. Maaari mong gamitin ang “Glossary ng mga Alituntunin ng Pag-aaral” sa mga manwal ng mag-aaral sa EnglishConnect para matulungan silang maunawaan ang mga kataga ng ebanghelyo. Ayon sa paggabay ng Espiritu, isiping anyayahan silang ibahagi ang kanilang natututuhan habang tinatalakay ninyo ang alituntunin ng pag-aaral. Laging igalang ang mga paniniwala ng iba habang hayagang ibinabahagi ang iyong pananampalataya na maaari silang tulungan ng Diyos na matuto ng Ingles.

Matatagpuan mo ang mga karagdagang ideya sa pambungad ng manwal na Mangaral ng Aking Ebanghelyo; tingnan ang bahaging “Paggamit ng mga Miyembro [ng Simbahan] ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo.”

Pagtulong sa mga Kabataan

dalagitang nakangiti

Maaaring pagpalain ng EnglishConnect ang buhay ng mga kabataan. Ang mga stake, ward, at mission ay maaaring mag-organisa ng mga grupo para lamang sa mga kabataan. Kung pagsasamahin ang mga grupo ng mga kabataan at adult, isiping pagsamahin sa grupo ang mga kabataan para sa mga practice activity.

Tandaang sundin ang mga patakaran ng Simbahan sa pagprotekta sa mga kabataan. Ang mga menor-de-edad (edad 18 pababa at nakatira sa bahay nila) ay kailangang may pirmadong pahintulot ng magulang bago dumalo sa grupo. Makukuha ang mga form sa iba’t ibang wika online sa englishconnect.org/resources/leader. Bukod pa riyan, kailangang sundin ng mga kurso sa EnglishConnect ang patakaran ng Simbahan na laging may dalawa man lang na responsableng adult sa mga miting ng grupo. Kailangan mong sundin ang mga patakarang ito kahit virtual ang pagkikita-kita ng grupo.