Pag-aaral ng Ingles
Welcome sa EnglishConnect


“Welcome sa EnglishConnect,” EnglishConnect para sa mga Guro (2023)

“Welcome sa EnglishConnect,” EnglishConnect para sa mga Guro

babaeng nakangiti sa isang grupo sa labas

Welcome sa EnglishConnect

Salamat sa kahandaan mong maglingkod bilang guro sa EnglishConnect. Sana’y madama mo ang pagmamahal ng iyong Ama sa Langit habang naglilingkod ka. Ang pagtulong sa iba na matuto ng Ingles ay maaaring magpalawak sa mga oportunidad nila para sa pag-aaral, trabaho, at paglilingkod. Ang iyong mga pagsisikap ay magpapala sa buhay ng mga mag-aaral ngayon at sa hinaharap.

Kapag humingi ka ng patnubay at lakas sa Diyos, tutulungan ka Niyang mahalin at paglingkuran ang mga mag-aaral sa iyong grupo. Hindi mo kailangang magsalita sa wikang kapareho ng mga tinuturuan mo. Hindi mo kailangang maging eksperto sa Ingles o magkaroon ng karanasan sa pagtuturo para mamuno sa isang grupo sa EnglishConnect. Nasa mga materyal sa EnglishConnect ang kailangan mo para magtagumpay. Kapag hinangad mo ang Espiritu at mapagmahal na ginabayan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga lesson, matutulungan mo silang mas mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ingles.