2025
Ano ang paglilingkod ng mga anghel? At bakit ito nakaugnay sa awtoridad ng Aaronic Priesthood?
Pebrero 2025


Tuwirang Sagot

Ano ang paglilingkod ng mga anghel? At bakit ito nakaugnay sa awtoridad ng Aaronic Priesthood?

mga binatilyong nagpapasa ng sakramento

Nang ipanumbalik ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood, binanggit niya na ito ang “may hawak ng mga susi ng paglilingkod ng mga anghel” (Doktrina at mga Tipan 13:1). Ipinaliwanag ni Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, ang koneksyon ng Aaronic Priesthood sa paglilingkod ng mga anghel sa ganitong paraan:

“Sa pangkalahatan, ang mga pagpapala ng espirituwal na patnubay at komunikasyon ay ibinibigay lamang sa mga taong malinis. … Sa pamamagitan ng mga ordenansa ng Aaronic Priesthood na binyag at sakramento, nililinis tayo sa ating mga kasalanan at pinangangakuan na kung tutuparin natin ang ating mga tipan laging mapapasaatin ang Kanyang Espiritu. Naniniwala ako na ang pangakong iyan ay hindi lamang tumutukoy sa Espiritu Santo kundi sa paglilingkod din ng mga anghel, sapagkat ‘ang mga anghel ay nagsasalita sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo; anupa’t, nangungusap sila ng mga salita ni Cristo’ (2 Nephi 32:3). Kaya nga ang mga maytaglay ng Aaronic Priesthood ang nagbubukas ng pinto para sa lahat ng miyembro ng Simbahan na karapat-dapat na tumatanggap ng sakramento para matamasa ang patnubay ng Espiritu ng Panginoon at ang paglilingkod ng mga anghel” (pangkalahatang kumperensya ng Okt. 1998 [Ensign, Nob. 1998, 39]).