Mga Tinig ng mga Kabataan
Hindi Katulad ng Iba
Luis V., edad 16, Guatemala Department, Guatemala
Mahilig tumugtog ng piyano at bumuo ng mga Lego.
Larawang-guhit ni Adam Howling
Maraming tukso sa mga kabataan ngayon, tulad ng ilang uso, ilang masamang uri ng social media at musika, di-angkop na pananalita, at alak at mga droga. Wala namang masamang intensyon ang mga kaklase ko sa paaralan, pero kung minsan ay niyayaya nila akong subukan ang mga bagay na ito.
Kinailangan kong matutong tumanggi. Nang mas makilala ako ng mga kaklase ko, natanto nila na hindi ako katulad ng iba. Natamo ko ang paggalang nila nang ipakita ko sa kanila na maaari akong maging isang normal na tinedyer nang hindi nagsasalita o gumagawa ng masama.
Bilang mga kabataan, kailangan nating bumaling sa Ama sa Langit araw-araw at humingi ng tulong sa Kanya. Kailangan nating tandaan palagi ang naituro sa atin. Kailangan nating ipakita na tayo ay mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Sa halip na maimpluwensyahan ng iba, kailangan nating impluwensyahan ang iba na magbago. Iyan ang makapagpapabuti sa mundo.