2025
Magtuon sa Kung Ano ang Kaya Mong Gawin
Pebrero 2025


Digital Lamang: Mga Service Mission

Magtuon sa Kung Ano ang Kaya Mong Gawin

Iyon ang misyon na hindi ko inaasahan kailanman, pero gustung-gusto ko ang bawat minuto.

Noong nasa missionary training center ako at naghahanda na sa pagpunta sa Norway, dumating si Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan at nagsalita sa amin. Itinuro niya ang isang simpleng bagay na nanatili sa isipan ko sa buong misyon ko: “Magtuon sa kung ano ang kaya mong gawin.”

Ano ang Service Mission?

Ilang linggo matapos magsalita si Pangulong Oaks, pinauwi ako sa California dahil sa mga medikal na dahilan. Nanlumo ako. Sa wakas ay naramdaman ko na natututuhan ko ang wika at nasasabik na pumasok sa field.

Nakipagkita ako sa stake president ko, at tinanong niya ako kung gusto kong maglingkod sa service mission.

Service Mission? Ni wala akong ideya kung ano iyon.

Nalaman ko na ang mga service missionary ay maaaring pumili mula sa iba’t ibang opsiyon kung saan, kailan, at paano sila maglilingkod. Ang mga service mission ay nakapokus sa pagtulong sa missionary na gamitin ang kanilang mga kakayahan sa paraang magiging kapaki-pakinabang sa iba.

Isang Magandang Pagpipilian para sa Akin

Nagpasiya akong maglingkod sa mission para magtuon ako sa aking kalusugan at maglingkod sa Panginoon nang magkasabay. Kabilang sa ilan sa mga assignment ko ang:

  • Paggabay sa mga paglilibot bilang docent sa isang museo.

  • Naglilingkod bilang receptionist sa mission office.

  • Pagtulong sa mga food bank at sa kamping sa Simbahan.

  • Pagtulong sa wildfire disaster relief.

  • Paglilingkod sa templo.

Dahil sa service mission ko nakatira ako sa bahay at bumuti ang kalusugan ko habang naglilingkod. Iyon ang misyon na hindi ko inaasahan kailanman, pero gustung-gusto ko ang bawat minuto. Nakatulong ito sa akin na magpokus sa kung ano ang kaya kong gawin at paunlarin ang mga kakayahan ko upang makapaghatid ng kabutihan sa mundo.

Mga Aral sa Buhay mula sa Aking Misyon

Ang simple pero makapangyarihang turo ni Pangulong Oaks ay nakaapekto hindi lamang sa misyon ko kundi maging sa buhay ko. Binago nito ang pananaw ko. Sa halip na magtuon sa mga bagay na hindi ko kontrolado, nakatuon ako ngayon sa pagdadala ng mabuti sa mundo gamit ang resources at talento na mayroon ako. Sa pagtutuon ng pansin sa mga kakayahan ng bawat isa sa atin, mababago natin tungo sa kabutihan ang mundo at ang mga taong nakapaligid sa atin.