Seminary
Pagbaling sa Sources na Itinalaga ng Diyos para Makahanap ng mga Sagot: Ang Sources na Itinalaga ng Panginoon


“Pagbaling sa Sources na Itinalaga ng Diyos para Makahanap ng mga Sagot: Ang Sources na Itinalaga ng Panginoon,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Pagbaling sa Sources na Itinalaga ng Diyos para Makahanap ng mga Sagot: Ang Sources na Itinalaga ng Panginoon,” Manwal ng Guro ng Seminary para sa Lumang Tipan

Doctrinal Mastery: Paghahanap ng mga Sagot sa Aking mga Tanong: Lesson 165

Pagbaling sa Sources na Itinalaga ng Diyos para Makahanap ng mga Sagot

Ang Sources na Itinalaga ng Panginoon

A young woman in Thailand sits on a couch studying.  In some shots her father is with her.

Dahil nabubuhay tayo sa panahong marami ang “tinatawag na mabuti ang masama, at ang masama ay mabuti” (Isaias 5:20), maaaring mahirap makilala ang katotohanan. Gayunpaman, naglaan ang Ama sa Langit at si Jesucristo ng kinakailangang tulong. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na hanapin ang katotohanan mula sa sources na buong pagmamahal na ibinigay ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan kung aling sources ang inaasahan nila kapag may tanong sila tungkol sa mga sumusunod: homework, interes o libangan, mga pangyayari sa kasaysayan, ebanghelyo at Simbahan ng Tagapagligtas. Anyayahan silang pagnilayan kung bakit sila bumabaling o umaasa sa sources na tinukoy nila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ano ang totoo?

Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang bagay o larawan na peke. Halimbawa, maaari mong ipakita ang larawan ng nagbibisikleta at ng oso na nasa lesson. Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung naniniwala sila na totoo ang larawan. Pagkatapos ay ipakita ang tumpak na larawan na ang nagbibisikleta lang ang nakikita.

Biking in the Mountains
Biking in the Mountains
  • Kailan kayo nakakita o nakabasa ng isang bagay kung saan napatanong kayo kung ito ay totoo?

  • Ano ang maaaring magpahirap para makilala ang katotohanan sa ating kasalukuyang panahon?

Sa pamamagitan ng propetang si Isaias, nagbabala ang Panginoon tungkol sa problemang kakaharapin natin sa ating panahon na magpapahirap para makilala ang katotohanan. Basahin ang Isaias 5:20, at alamin ang itinuro ng Panginoon.

  • Kailan kayo nakakita ng isang masamang bagay na tinawag na “mabuti” o isang mabuting bagay na tinawag na “masama”?

Para makadagdag sa talakayan, maaari mong ipakita ang “In Search of Truth” (3:03), na makikita sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 0:00 hanggang 1:27. O maaari mong anyayahan ang mga estudyante na basahin ang pahayag sa ibaba, na naglalaman ng mga katulad na turo. Anyayahan ang mga estudyante na maghanap ng anumang karagdagang dahilan kung bakit mahirap makilala o matukoy ang katotohanan.

3:3

Para matulungan tayong maunawaan ang pangangailangang mag-ingat kapag hinihiwatigan ang katotohanan at ang kamalian, ipinaliwanag ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Nabubuhay tayo sa panahon ng labis na pinalawak at pinalaganap ang impormasyon. Ngunit hindi lahat ng impormasyon na ito ay totoo. Kailangan tayong maging maingat kapag naghahanap ng katotohanan at [pumipili] ng mga sanggunian para sa paghahanap na iyon. Hindi natin dapat ituring ang sekular na kasikatan o awtoridad bilang angkop na sanggunian ng katotohanan. Dapat tayong maging maingat sa pagtitiwala sa impormasyon o payo na ibinibigay ng mga artista, sikat na mga atleta, o hindi kilala na mga sanggunian sa internet. Ang kahusayan sa isang larangan ay hindi dapat ituring na kahusayan sa katotohanan sa iba pang larangan. (“Katotohanan at ang Plano,” Liahona, Nob. 2018, 25)

Itanong sa iyong sarili ang sumusunod:

  • Gaano kalaki ang kumpiyansa mo sa iyong kakayahang makilala ang katotohanan?

  • Sino ang mapagkakatiwalaan mong magbibigay sa iyo ng mga tumpak na sagot sa mga tanong na may kaugnayan sa ebanghelyo at sa Simbahan?

Mahal tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at nais Nila tayong tulungan na makilala kung ano ang totoo at kung ano ang hindi. Sa buong lesson ngayon, bigyang-pansin ang mga bulong ng Espiritu para matulungan ka na makilala kung ano ang inilaan Nila para sa atin.

Sources na itinalaga ng Diyos

Basahin ang mga talata 11 at 12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2023) at markahan ang mga turong sa palagay ninyo ay mahalagang malaman kapag naghahanap ng mga sagot sa inyong mga tanong.

Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi sa isang kapartner ang nalaman nila at kung bakit nila ito itinuturing na mahalaga.

Anyayahan ang mga estudyante na ibuod ang natutuhan nila sa klase. Maaari nilang ibahagi ang mga katotohanang gaya ng:

  • Binigyan tayo ng Panginoon ng sources na itinalaga ng Diyos para matulungan tayong makahanap ng mga sagot at direksyon.

  • Tutulungan tayo ng Panginoon na mahiwatigan ang katotohanan sa kamalian kapag bumaling tayo sa Kanyang banal na itinalagang sources, kabilang ang paghingi ng patnubay mula sa Espiritu Santo.

  • Sa inyong palagay, bakit mahalagang umasa sa sources na itinalaga ng Panginoon habang naghahanap tayo ng mga sagot sa ating mga tanong?

Mahiwatigan ang katotohanan at kamalian

Para mabigyan ng halimbawa ang mga estudyante sa kung paano tayo tinutulungan ng Panginoon na mahiwatigan ang katotohanan sa kamalian, maaari ninyong pag-aralan ang salaysay tungkol sa pagharap ni Satanas kay Moises sa Moises 1. Maaari mong ipakita ang larawan ng pagharap ni Satanas kay Moises na nasa lesson. Tanungin sa mga estudyante kung ano ang alam at naaalala nila tungkol sa salaysay na ito.

Matapos kausapin ni Moises ang Diyos nang harapan, dumating si Satanas at tinangkang linlangin si Moises para sambahin siya (tingnan sa Moises 1:12).

Maaari mong pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang mga talata sa ibaba nang mag-isa at pagkatapos ay ibahagi sa isa’t isa ang kanilang mga sagot sa mga sumusunod na tanong:

Basahin ang Moises 1:13–16, at alamin kung paano nakilala ni Moises si Satanas at ang Diyos.

  • Ano ang nalaman mo?

  • Paano natin maiuugnay ang karanasan ni Moises sa ating buhay habang pumipili tayo ng sources upang mahanap ang katotohanan at mga sagot sa ating mga tanong?

    Maaaring isagot ng mga estudyante ang mga sumusunod: matutukoy natin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagninilay sa ating mga karanasan sa Diyos; maaari tayong umasa sa Diyos bilang ating pinakadakilang source ng katotohanan; o matutulungan tayo ng Diyos na mahiwatigan ang liwanag at kadiliman.

    Maaari mong ipakita ang natitirang bahagi ng video na “In Search of Truth,” mula sa time code na 1:27 hanggang 3:03. Maaaring hanapin at ibahagi ng mga estudyante kung aling sources ang ginamit ng mga tao sa video upang mahanap ang katotohanan.

    3:3

    Kung kapaki-pakinabang, maaari mong ipakita ang sumusunod na tanong at anyayahan ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga sagot sa isang maliit na piraso ng papel. Maaaring itiklop ng mga estudyante ang kanilang mga papel at ilagay ang mga ito sa isang lalagyan. Pagkatapos ay maaring kumuha at magbasa ng ilang sagot ang mga estudyante na isinulat ng iba pang estudyante.

  • Ano ang ipinagpapasalamat mo na nalaman mo na hindi mo sana malalaman kung wala ang sources na inilaan ng Ama sa Langit sa ating kasalukuyang panahon? Bakit?

Magsanay

Ang sumusunod na aktibidad ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na magsanay na bumaling sa sources na itinalaga ng Diyos para makahanap ng mga sagot sa kanilang mga tanong.

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante o ilagay sila sa maliliit na grupo at ipakita ang mga sumusunod na pahayag. Maaari mong iangkopn ang mga pahayag na ito upang matugunan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.

Pumili ng isa sa mga sumusunod na hindi totoong pahayag, o piliin ang sarili mong pahayag:

  • Hindi totoo: Wala talagang pakialam ang Diyos kung paano tayo nabubuhay hangga’t hindi tayo nakakasakit ng iba.

  • Hindi totoo: Ang buhay lang na ito ang mayroon tayo. Hindi tayo nabuhay bago tayo isinilang, at hindi tayo mabubuhay pagkatapos nating mamatay.

  • Hindi totoo: Hindi talaga natin kailangan ang Aklat ni Mormon dahil mayroon na tayong Biblia.

Gamit ang sources na itinalaga ng Diyos, humanap ng mga pahayag na nagwawasto sa maling pahayag na iyong pinili. Isulat ang nalaman mo sa iyong study journal.

Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng sources na itinalaga ng Diyos na maaari mong pag-isipang gamitin:

  • Mga doctrinal mastery passage, Gabay sa mga Banal na Kasulatan, o index ng banal na kasulatan

  • Mga Paksa at Mga Tanong sa ChurchofJesusChrist.org

  • Mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya

  • Gospel Library

  • Ang iyong mga magulang o isang lider ng Simbahan

    Kung kailangan ng mga estudyante ng tulong, maaari mong ibahagi ang sumusunod na sources bilang mga halimbawa:

    • Wala talagang pakialam ang Diyos kung paano tayo nabubuhay hangga’t hindi tayo nakakasakit ng iba. (Exodo 20:3–17; “Commandments” sa Topics and Questions)

    • Ang buhay lang na ito ang mayroon tayo. Hindi tayo nabuhay bago tayo isinilang, at hindi tayo mabubuhay pagkatapos nating mamatay. (Abraham 3:22–23; Jeremias 1:4–5; Job 19:25–26; “Plano ng Kaligtasan” sa Mga Paksa at Mga Tanong)

    • Hindi talaga natin kailangan ang Aklat ni Mormon dahil mayroon na tayong Biblia. (Ezekiel 37:15–17; 2 Nephi 29:6–10; “Aklat ni Mormon” sa Mga Paksa at Mga Tanong)

    Pagkatapos ng sapat na oras, anyayahan ang mga estudyante na isulat sa pisara ang mga totoong pahayag para sa bawat maling pahayag na ito.

    Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi kung anong sources ang ginamit nila at kung ano ang nalaman nila mula sa sources na iyon. Maaari ding ibahagi ng mga estudyante kung ano ang ginawa nila para mahanap ang kanilang mga sagot.

    Para tapusin ang klase, maaari mong itanong ang sumusunod. Maaari mo ring ibahagi ang iyong karanasan o patotoo tungkol sa sources na itinalaga ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

  • Ano ang natutuhan ninyo ngayon tungkol sa sources na mapagmahal na ibinigay sa atin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?